Samantala ay hindi makapagfocus si Nicolai sa mga pinipirmahang kontrata.Nagbabalik kasi sa kanyang ala-ala ang nangyari kagabi,tapos bigla syang mapapangiti tapos ay marerealize na ano bang iniisip nya.Iiling iling na napahilamos sya sa mukha.She's just a simple girl na magdadala ng kanyang anak.Si Natasha ang babaeng pakakasalan nya at magiging asawang totoo.
Nasa ganoon syang sitwasyon ng tumunog ang kanyang cellphone.Si Natasha.
"Hi babe,how are you,hows the newly wed"anito sa kabilang linya na pilit pinapasaya ang boses.
"Its very..ahm.. complicated.I miss you,kelan ka babalik"ani Nicolai sa kasintahan.
"Bakit naman,sandali lang ako dito mga one month lang,i will be back sooner.May progress na ba sa plano"ani Natasha na iniiwasang itanong kung may nangyari na sa kanila.Batid niyang nasasaktan ito.
"Ash,im sorry..dahil sakin nasasaktan ka"alo niya sa girlfriend
Saglit itong tumahimik at narinig niyang sumisinghot ito.
"Nic,just promise me....promise me one thing please...."ani Natasha na garalgal ang boses.
"Anything babe,just to make you happy,please dont be sad,i will make it up to you sa pagbalik mo"nahihirapang sabi nya.Nasasaktan din sya sa sitwasyon nila ng kasintahan.Pero kailangan at napasubo na sila,wala ng atrasan.
"Please..please,dont inlove with her,just promise me,ako lang Nic."anito na umiiyak na.
Napatingala siya sa kisame.Ano itong pinasok nya.Dalawang babae ang nasasaktan nya.
"Nic..."ani Natasha sa kabilang linya.Nagbalik sya sa huwisyo.
"Yes I promise,ikaw lang babe..ikaw lang"
Samantala nagdesisyun si Bella na lumabas at magpahangin.Para syang nakakulong.Nakakulong sa sitwasyong hindi niya ginusto.
"Mam,mamaya daw po babalik si sir Nico"anang isang may edad na babae,ito na marahil si manang Loida.
"Ako po si Loida,pag may kailangan po kayo sabihin nyo lang po"dagdag pa nito.
Napatango na lang sya.
Sa kuwarto na lang muna sya.Ayaw nyang makita si Nicolai .
"Matagal na po ba kayo dito manang?"tanong niya dito habang tinatanggal ang mga tumubing damo sa paligid.Umupo na din sya at tinulungan ito.Pinigilan naman sya nito .
"Okay lang po manang sanay naman po ako sa gawaing bahay"
"Si mam Natasha,hindi ko man lang nakita yung humawak ng walis."anito bago natigilan."Ay sorry mam"
"Okay lang po manang kilala ko naman si Natasha,mabait sya"
"Ah ganun ba mam,mabait nga po sya kaya ng mahal n mahal ni sir yun eh,kaso hindi marunong ng gawaing bahay,mabuti at nakilala kayo ni sir,mas bagay po kayo"anito.
Napatingin sya dito.Wala nga palang alam ang mga ito sa kasunduan nila.
Ngumiti lang sya dito.
Nang matapos sila ay nagpaalam sya kay aling Loida na aakyat na muna sa kanyang kuwarto.
Ilang saglit pa lang sya nakakapasok ay narinig nyang may pumaradang sasakyan.Bigla syang nakaramdam ng excitement at kabog ng dibdib.Titiad-tiad na tinungo ang bintana at palihim na sinilip si Nicolai.
Nang makita nya itong umibis sa kotse ay parang may kung anong tumalon sa kanyang dibdib.
Ang lakas ng kabog niyon.
Nakita nyang lumapit ito kay aling Loida pagkatapos ay tumingala ito sa kanya.Napkunot ang kanyang noo.Lasing ito?
Agad naman syang nagtago sa dingding.
Narinig nyang bumukas ang kuwarto nito at ang pagsara niyon,pagkatapos ay hindi na nya muling narinig na bumukas iyon.
Marahan syang lumabas ng kuwarto.Nakita nya si Manang Loida na nagluluto ng hapunan.
"Mam,aalis na po ako mamaya"anito sa kanya.
"Sige po.Ah manang,lasing ba si Nicolai?maang niyang tanong.
Nagtataka namang napatingin ito sa kanya.Muntik na syang mabisto.Baka malaman nitong hiwalay sila ng tulugan ni Nicolai.
"Ahm,nag away kase kami kagabi kaya sa kabilang kuwarto sya nagpunta"
"Ah ganun po ba,opo.Lasing si sir mukhang ang laki ng problema,nag away po pala kayo"
"Sige po manang pwede na kayo umuwi,ako ng bahala diyan."aniya.Wala pang isang minuto ay nakaalis na nga ito.
Anong gagawin ko,pupuntahan ko ba sya sa kuwarto nya,o pababayaan ko na lang.Baka managinip sya ng masama sa kalasingan nya tapos..
Sa huli'y napagdesisyunan din nyang dalhan ito ng maligamgam na tubig.Hindi naman sya masamang taong kayang pabayaan ang lalaki sa gnoong sitwasyon.
Bahagya pa lang nyang nabubuksan ang pinto'y sinisidlan na sya ng kaba.
Tumambad sa kanya ang nakalugmok nitong katawan sa sahig.Gusot ang polo nito at wala sa ayos.Pero kahit ganoon ay walang nabawas sa kagwapuhan nito.
Maingat niyang inalis ang polo nito.Napasinghap siya sa namalas na matipunong dibdib nito.Nanginginig na pinunasan nya ito.Matapos ang pang itaas ay hindi na nya tinuloy pa sa baba.Baka magising pa ito.Hinila nya ang lalaki sa sofa para maging maayos ang tulog nito pero sabay silang natumba sa bigat nito.
Ang nangyari'y nakadagan sya dito.
Dahan-dahan syang kumilos paalis sa ibabaw nito ngunit bago pa sya makaalis ay pumulupot na ang mga braso nito sa kanyang bewang kung kaya't hindi nya nagawang umalis sa ibabaw nito.
Nagulat sya ng magsalita ito.
"Dito ka muna Ash,i miss you so much babe"anito pinikit ang mata.
May gumuhit na kung anong sakit sa puso niya,pero hinamig niya ang sarili.Imposibleng mainlab sya sa lalaking kagaya nito.
Sandali syang pumikit, maya-maya'y hindi na nya namalayang inanod na din sya ng antok.
"What are you doing here"
Anang boses na nakapagpagising sa diwa nyang natutulog tapos sa pagtulak sa kanya kung kaya't bumagsak sya sa sahig.
"Anong ginagawa mo dito sa kuwarto namin ni Ash!?"iritableng sabi ng masungit na Montenegro na di man lang inalala na nasaktan sya
"For your information,lasing na lasing ka kagabi"
"Wala akong maalala,get out!!"anitong turo sa may pinto .
Mabilis naman nyang nilisan ang lugar na iyon.Palabas ng bahay.Tumatakbo sya pero hindi nya alam kung saan sya pupunta.At hindi na nya alam kung nasaan sya dahil gabi na.Napakalawak pa naman ng lupain ng mga Montenegro.ang sama-sama ng loob nya.Ang gusto aman nya ay lumayo,malyong malayo sa lalaking iyon..Gusto na nyang umalis,ayaw na nya makita pa ang aroganteng Nicolai na iyon.
Nakaramdam sya ng takot,hindi na nya alam kung nasaan sya.Hindi rin nya dala ang kanyang cellphone.Sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan,tila may bagyo.Naaninag nyang may malaking puno sa di kalayuan,pero di pa rin sapat iyon para masalo lahat ng patak ng ulan na tumatama sa kanya.Nnginginig na sya.Mabuti na yon para tapos na.Aniya bago ipinikit ang mga mata.
Samantala ay nakaramdam na ng pag aalala si Nicolai.Kanina pa hindi bumabalik si Bella.May bagyo pa naman.Hinanap nya ito sa paligid ng bahay ngunit hindi nya ito makita.
Nagpasya syang suungin ang ulan para hanapin si Bella .
Mag iisang oras na syang naghahanap pero walang Bella na nakita nya.Pero hindi sya sumuko bagama't nahihirapan dahil sa lakas ng ulan.Hindi sya pwedeng bumalik,baka kung anong mangyari dito.Aminado syang kasalanan din naman nya.Kung hindi nya itinaboy ng ganun ito ay baka hindi ganuon nauwi.Maya-maya'y may nailawan syang puti sa di kalayuan,sa may malaking puno doon.At nang malapit na sya'y hindi sya ngkamali.Si Bella!