Quarter to seven pa lang ay nakahanda na ako. Simpleng maong shorts at t-shirt na may print ng cartoon character na si Micky Mouse lang ang suot ko. Nakatsinelas lang ako at hinayaan kong nakalugay ang aking buhok. Bago ako lumabas ng room ay pinaliguan niya pa ako ng pabango niya saka ako kinantiyawan ng, “Go girl!” Paglabas ko ay bahagya akong nakahinga nang maluwag nang makita kong casual lang din ang suot ni Zach. Naka-gray na t-shirt at maong shorts lang siya. Mukhang pareho kaming mga walang baong damit. Pero siya, kahit simpleng damit lang ang suot niya, halata mo pa ring may kaya siya sa buhay. “Hi,” bati niya sa `kin nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Nginitian ko siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa apartelle na tinutuluyan niya. Habang naglalakad kami ay hindi

