Nang mahimasmasan ako ay mabilis akong pumunta sa banyo at naghilamos. Hindi pwedeng malaman ni Zach ang nararamdaman ko. After all, ginagamit ko lang naman siya at isang araw ay aalis din ako dito sa bahay nila. Ilang linggo na lang at matatapos na ang klase namin. Lihim na ipinaalala ko sa sarili ang noon pa ay plano ko na kapag grumaduate ako. Aalis ka ng lugar na `to, Amber. Magpapakalayo-layo ka at magsisikap para magbago ang buhay mo. At hindi pwedeng mamagitan ang kung ano mang mayroon kami ni Zach sa dati ko nang plano. Kaya ngayon pa lang ay papatayin ko na sa puso ko ang kung ano mang emosyong nagsisimulang tumubo para kay Zach. Saktong natapos akong magbihis ng pangbahay nang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay si Zach ang bumungad sa akin. This time ay may suot

