One month earlier…
Isang hapon ng Linggo ay pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sapphire para maglinis. Yes, pati paglilinis ng kwarto nila ay ako pa rin ang gumagawa. Pinagdadampot ko ang mga damit niya na basta na lang niyang hinubad at inihagis sa kung saan-saan. Inilagay ko ang lahat ng labahan niya sa laundry basket na nakalagay malapit sa pinto ng banyo niya.
Ang kama niya ang sunod na pinagdiskitahan ko. Pinagpag ko ang comforter ng kama niya na limang kilo yata ang timbang dahil sobrang bigat nito. At nang abutin ko ang unan na nasa gawing kaliwa ng kama para sana ayusin ang punda noon ay may nakita akong picture sa ilalim.
Nang tingnan ko ang picture ay nagulat pa ako nang makita ko kung kaninong picture `yon. It was Zach—classmate namin nina Sapphire at kilala siya sa buong school namin. Gwapo at mayaman ang pamilya nina Zach.
Tiningnan ko ang likod ng picture at nakita kong may nakasulat doon. “I love you, Zach. Mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.”
Natawa ako sa nabasa ko. “Eeew. So baduy!” Nang tignan ko ulit ang picture ay may nabuong ideya sa isip ko. Ngayong nalaman ko nang crush pala ni Sapphire ang kaklase naming si Zach, I guess it’s time na makaganti man lang ako sa lahat ng pang-aapi sa akin ni Sapphire at ng pamilya niya.
Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay sinadya kong dumaan sa row kung saan nakaupo si Zach. Pagtapat ko sa kanya ay pasimple kong binitawan ang hawak kong ballpen. So siyempre, huminto ako para pulutin ang nahulog kong ballpen na nasa ilalim ng chair ni Zach. Yumuko at kunwari’y nahihirapang inabot ang ballpen. Sa ginawa kong pagyuko ay alam kong nakikita ni Zach ang cleavage ko dahil bukas ang unang butones ng uniform ko.
Nang tumuwid na ‘ko ng tayo ay nakita kong sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok. After that ay pumunta na ako sa row kung saan naroon ang assigned chair ko. At nang makaupo na ako sa upuan ko ay nilingon ko pa si Zach. At nakita kong nakatingin siya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
Alam kong matagal na akong crush ni Zach. Hindi ko lang pinapansin ang mga pagpapalipad hangin niya dahil wala akong panahon na mag-entertain ng mga lalaki. Pero noon pa man ay madalas ko na siyang nahuhuling nakatingin sa dibdib ko. At dahil nga transferee ako sa school nila ay mainit ako sa mga mata ng mga boys, hindi lang kay Zach.
Pagsapit ng uwian nang hapon ding iyon ay nakita ko si Zach na naghihintay sa labas ng room. At nang makita niyang palabas na ako ay mabilis na lumapit siya sa `kin.
“Amber, pwede bang sumabay ako sayo pauwi?” tanong niya sa `kin. It was the first time na lumapit siya sa akin. Siguro dahil dati ay hindi naman ako nagpapakita ng motibo sa kanya at lagi rin akong nagmamadaling makauwi ng bahay.
Nginitian ko siya ng matamis. “Sure.”
At hinatid nga niya ako sa bahay. Saktong pagdating namin sa harap ng bahay ng tita ko ay palabas naman si Sapphire na nakapambahay na. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sapphire nang makita niyang kausap ko si Zach sa harap ng bahay nila.
“Amber, kanina ka pa hinahanap ni Mama! Magsaing ka na raw at lutuin mo `yong isda na binili ni Papa.”
Tumingin ako kay Zach. “So paano, hanggang dito ka na lang. Marami pa akong gagawin.”
“Pwede ba kitang dalawin mamaya?”
Napailing ako dahil sa tanong niya. “Marami kasi talaga akong gagawin mamaya. Tapos magre-review pa `ko kasi may quiz tayo sa Physics bukas.”
“Ganun? Kunin ko na lang number mo para ma-text o `di kaya ay matawagan kita mamaya bago ako matulog,” hirit pa ni Zach.
“Wala akong cellphone.”
“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Kunsabagay, nakakapagtaka naman talaga na may tao pa pala ngayon na walang cellphone samantalang kung tutuusin ay may mga mumurahing cellphone naman na. Pero wala talaga, eh. Ayaw akong bilhan ng tita ko. Makakaistorbo lang daw sa trabaho at pag-aaral ko ang cellphone. Pero sina Jade at Sapphire, madalas magpalit ng cellphone.
“Wala nga,” sabi ko. “Sige na, umalis ka na at baka mainis pa `yong tita ko.”
“Sige,” napipilitang sagot ni Zach. Pero bago siya makapihit patalikod ay mabilis na hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsimangot ni Sapphire.
“Bye, Zach,” nakangiting paalam ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng tinitirhan ko. Inilagay ko lang ang lumang shoulder bag ko sa maliit na mesa at mabilis na akong nagpalit ng damit. Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko si Sapphire na tila sinadyang hintayin ako.
“Ano `yong nakita ko kanina, Amber? Bakit magkasama kayo ni Zach? At talagang hinalikan mo pa siya sa pisngi. Ang kapal ng mukha mo! Napakalandi mo talagang babae. Manang-mana ka sa nanay mo.”
Umakyat yata sa ulo ko ang lahat ng dugo ko. “Huwag mong dinadamay ang nanay ko, Sapphire. At bakit ba nagagalit ka nang ganyan, ha? Kasi gusto mo si Zach. `Yon ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka?”
“Aba’t sumasagot ka pa!” akmang sasampalin niya ako pero mabilis na nahawakan ko ang kamay niya.
“Subukan mo lang na kantiin ako at hindi ako mangingiming labanan ka. Wala akong ginagawang masama sa `yo kaya oras na saktan mo ako ay talagang papatulan kita,” matapang na sabi ko sa kanya. Hindi talaga ako makakapayag na saktan ako ng bruhang `to. Tama na ang saktan nila `ko sa emosyonal na pamamaraan, pero pisikal? Hindi ako makakapayag.
Naiinis na binawi ni Sapphire ang kamay niya. Napapangiti na lang ako habang nagwo-walk-out siya palabas ng kusina.
Hah! Payag akong alilain at gawing katulong ng pamilya nila pero hindi ako makakapayag na saktan ako ng kahit sino sa pisikal na pamamaraan. Marunong akong lumaban lalo na at `di hamak na mas matangkad ako sa magkambal. Bahagya lang na umabot sa limang talampakan ang height nina Jade at Sapphire samantalang nasa 5’5” naman ang height ko.
Sinimulan ko nang gawin ang mga gawaing bahay. Gamay na gamay ko na ang mga gawaing `yon kaya pagkagat pa lang ang dilim ay halos tapos na ako sa mga gawain ko.
Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay ganoon na lang ang pagtataka ko nang halos lahat ng mga kaklase ko ay tumitingin sa akin. Pero wala ni isa man sa kanila ang lumapit sa akin. Kung hindi ko pa narinig ang pagbubulungan ng dalawa kong kaklase na parehong tsismosa ay hindi ako magkakaroon ng ideya kung bakit ganoon ang inaakto ng mga kaklase ko.
“Malandi `yang babaeng `yan. Kunyari tahimik pero nasa loob pala ang kulo.”
“Oo nga. Siguro ay matagal na niyang gustong akitin si Zach. Ang kapal ng mukha. Bakit ba hindi siya maghanap ng kauri niya?”
Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa dalawa. “Ako ba ang pinag-uusapan niyo?”
Walang sumagot sa dalawa. Tinaasan lang nila ako ng kilay saka sabay na umismid. So, ako nga. May sasabihin pa sana ako nang bigla namang dumating ang teacher namin sa Filipino.
Bumalik na lang ako sa upuan ko. Nakayuko ako sa armchair ko at kunwaring binabasa ang textbook namin sa Filipino nang bigla akong tawagin ni Mrs. Cajustin ang pangalan ko.
“Amber! Anong kalokohan `to?” galit na tanong ni Mrs. Cajustin. Nag-angat ako ng mukha at nakita kong nakaharap siya sa blackboard.
At ganoon na lang ang panlulumo ko nang mabasa ko ang nakasulat board in bold letters. “I’M A SLUT. –AMBER”
Tumayo ako at humarap sa teacher namin. “Ma’am, wala po akong alam diyan. Hindi ko po alam kung sino ang nagsulat niyan.” Pero nang linugin ko si Sapphire at nakita kong nakangisi siya sa `kin ay alam ko na agad kung sino ang may kagagawan `non.
“Okay, sit down, Amber,” sabi sa `kin ni Mrs. Cajustin. “Okay guys, alam niyo hindi niyo dapat ginagawa ang mga ganitong biro. This isn’t funny at lalong hindi magandang mamahiya ng ibang tao,” panenermon ni Mrs. Cajustin sa buong klase.
Hindi na ako nakapag-concentrate sa lesson namin dahil inis na inis pa rin ako kay Sapphire. Alam kong siya ang nagsulat `non sa blackboard.
Nang matapos ang klase namin ay lumapit sa akin si Zach at tinapik-tapik niya ang balikat ko habang sinasabi ang mga katagang, “Hayaan mo na `yon. Inggit lang siguro sa `yo ang nagsulat `non.”
At para tuluyang mainggit si Sapphire ay niyakap ko si Zach at kunwari’y umiyak sa balikat niya. Naramdaman kong gumanti ng yakap sa `kin si Zach. “`Wag ka nang umiyak.”
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng marahas na pagkalabog ng upuan. I know it was Sapphire.
“See guys? She really is a slut!” sigaw ni Sapphire sa lahat ng mga kaklase ko.
“Sapphire, stop it. Ano ba’ng problema mo?” sita ni Zach kay Sapphire.
I know the reason. She’s in love with you but I get to hug you like this. Lihim akong napangiti habang nakasubsob pa rin ako sa balikat ni Zach. Bumitaw na ako kay Zach at bumalik sa pagkakaupo ko dahil dumating na ang teacher namin sa next subject. Ganoon na rin ang ginawa ni Zach.
Pagsapit ng recess ay kami ni Zach ang magkasama. For the first time ay humiwalay siya sa mga ka-barkada niya. For the first time ay nakatikim ako ng masarap na snack. Pizza, spaghetti at coke ang binili ni Zach para sa aming dalawa.
“Salamat,” sabi ko kay Zach nang nakaupo na kami sa isang table. Magkatabi kami sa upuan.
“Walang anuman,” tugon niya. At mula sa bag niya ay may kinuha siyang cellphone at inabot sa `kin. “Sa `yo na lang. Hindi ko naman na kasi nagagamit `yan kasi may bago akong phone. Para naman maka-text kita.”
Kung sa ibang babae siguro ibinigay ni Zach ang touchscreen cellphone na hawak ko ngayon ay mabilis pa sa alas-kwatrong tatanggi ang babaeng `yon. Pero hindi, eh. Sa akin niya ibinibigay. At ako si Amber—pinagkaitan ng mga materyal na bagay at hikahos pa sa buhay. Kaya hindi na ako tumanggi pa. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang celphone sa kanya.
“Salamat, Zach. Napakabait mo sa `kin. Pero baka hindi rin kita ma reply-an kasi wala naman akong pang load.” Saktong pamabaon lang kasi ang ibinibigay sa akin ng tita ko araw-araw.
“Don’t worry, lo-loadan na lang kita araw-araw. Tuturuan na lang kita kung paano mag-unli. Naka-save na diyan ang number ko plus may mga pictures din ako sa gallery para kapag wala kang ginagawa sa gabi ay may matitigan ka naman kahit papano.”
“Matutuwa ba naman ako sa mga pictures na naka-save dito?”
“Oo naman!” nagmamalaking sagot ni Zach.
At doon nagsimula ang pagiging malapit namin ni Zach sa isa’t-isa. Pumayag si Zach na ilihim namin ang tungkol sa cellphone na ibinigay niya dahil baka kapag nalaman ng tito at tita ko na may cellphone na ako ay bigla nila iyong kumpiskahin. Mabuti na lang din at malawak ang pang-unawa ni Zach.