AMBER’S P.O.V. Lubog na ang araw nang makarating ako sa Visca. Dahil hindi naman ako nagpa-reserve ng room ay sa unit ni Zeke na muna ako tumuloy. Bukas ng umaga na lang ako kukuha ng separate room para naman hindi ako makaistorbo kay Zeke. Pagdating ko sa unit ni Zeke ay nagtaka ako nang makita kong nakapinid ang pinto. Nakailang katok na ako ay wala pa rin akong makitang palatandaan na may tao sa loob. Biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko. “Zeke! Zeke, are you there?” tawag ko sa kanya mula sa labas. Pero wala talagang sumasagot. What happened to you, Zeke? Kanina bago ako umalis ng Tacloban ay tumawag ako sa kanya para sabihing ngayon nga ang dating ko. At ang sabi niya ay hihintayin niya ako. Muli akong kumatok pero katahimikan pa rin ang sumagot sa akin. Lalong nadagdagan ang kab

