CHAPTER THIRTY-FOUR: ••• ••• PARANG sirang gripo na sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Sa sobrang sakit ng puso ko, sinabayan pa ng panginginig ng katawan ko at ang kakaiba ngunit familiar na sensation na nararamdaman ko sa katawan ko, wala na, nag triggered na. "K—Kenster M-m-mark De La Fuente... H-hindi ko alam... na ganiyan p-parin pala kakitid ang utak m-mo..." Humihikbi kong wika. Niyakap niya ako ulit. "I told you once right, you don't know me very well, Venus..." Napapikit ako. Venus... 'Just be cautious around someone who is close to you. We don't know whether he is an enemy or not...' 'Looks can deceive, Aphrodite. Just don't regret the path that you've choose...' Ate Willow... Sorry... Pero... Hindi ko t

