CHAPTER TWENTY-SEVEN: ••• ••• ISANG ORAS na ang lumipas simula nung umandar ang sasakyan na sinasakyan namin ngayon at simula nung hinahabol kami ng Isang lalaki at Isang babae. Kanina pa sila nawala sa paningin namin, at hindi na'rin nila kami sinundan pa. Kanina pa kaming dalawa tahimik dito. Kahit ni isa sa amin ay walang nagsalita. Gusto ko man siyang basahin, pero hindi ko magawa, dahil siguro sa pagbabago niya at sa dami ng mga katanungan ko ngayon. Ang paningin ko ay nananatiling nakatingin sa labas ng bintana. Kung sakaling iniisip man ni Kuyang Class D na magsasalita ako, puwes! Hindi ko gagawin 'yun. Kanina pa ako tanong ng tanong, andami ko ng tanong sa kan'ya kanina pa, tapos Isa lang ang sinagot niya? Isang tanong lang ang nasagutan niya? Tss! Masama ang mood ko ngayon

