CHAPTER TWENTY-FIVE: ••• ••• [ MAY MOON POINT OF VIEW ] PINAKIRAMDAMAN ko ang paligid. Nang maramdaman ko na parang may kasama ako, ay dahan-dahan ko na kaagad idinilat ang mga mata ko at sumalubong naman sa akin ang puting kisame. Umupo ako galing sa pagkakahiga at hinanap ang presensiya ng taong nandito sa lugar ngayon. At nakita ko nga ang taong 'yun, nakatayo habang nakasandal sa nakasaradong pintuan. "Kuyang Class D..." mahinang wika ko, pero sa tingin ko ay narinig niya 'yun. "I apologize for any inconvenience I may have caused." Nagbago ang expression sa mukha niya, nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya at ang pagkagat niya sa kan'yang labi. Tumayo ako at naglakad palapit sa kan'ya. Nananatili lang siyang nasa kinatatayuan niya. Nakatingin sa akin habang palapit

