"anong ibig sabihin nong message mo sa akin" curious kong tanong kay rex "Nagresearch ako about your friend at may nalaman ako, may nangyari pa pala bago sya naaksidente, galing sya sa bahay ng classmate nya, pinuntahan ko yong bahay at luckily may mga cctv sila at nasave nila ang nakuhanan na video nung araw na iyon" May kinulikot lang sya sa laptop nya tapos saka nya ibinigay sa akin Kinuha ko ito at nakita ko ang nagpaplay na video, pinanood ko ito Nakatingin lang din si katty sa laptop na hawak ko Makikita dito ang naging halikan ng dalawang tao, hanggang sa dumating si katty at naabutan nito ang dalawang nagtutukaan Mayamaya pa ay nagaway na ang mga ito, nagsabunotan Hindi sila magawang maawat ng mga tao sa paligid Napatingin ako kay katty na ngayon ay nakakunot ang noo nito

