TALLY POV "Ano ba bae pinagsasabi mo? Bakit ka humihingi ng tawad?" "Sayo ba ang necklace na yan?" Turo ko sa necklace na nasa tabi ng abo nya "Nandyan na din yan nong makita ko yan sa tabi ng abo ko, hindi ko matandaan na may necklace ako na ganyan, hindi ba pareho yan nong necklace na suot mo doon sa picture mo? Bakit mo din natanong?" Kinuha ko sa loob ang necklace, isa lang ang ibig sabihin kapag nakita ko sa likod ng pendant ang nakaukit dito, hinawakan ko ang pendant nito saka ko binaliktad patalikod at Napaluhod ako dahil sa nanghihina ang mga tuhod ko, nararamdaman ko na din ang pagsikip ng dibdib ko Pangalan ko ang nakaukit dito, sa akin ang necklace na ito "Hindi ko deserve ang mabuhay" "Ano ba! Kanina pa ako mukang tanga dito kakatanong sayo, ano ba problema mo ha?" Tuma

