Part 7

1183 Words
TALLY POV "Get 1 and pass" Last subject na, at ito na nga ang quiz namin, kinuha ko yung ipinasa sakin na questionnaire Binasa ko nang maigi ang question meron pa nga nakakatatlong ulit ako para irecall ko ang sagot, Multiple choice at enumeration ang aming quiz nahirapan ako sa enumeration kasi ang hahaba Nang masagutan ko na lahat tumayo na ako, tiningnan ko pa yung dalawa na busy pa sa pagsagot, "Uuna na akong umuwi" baling ko sa dalawa, tumango lang sila Pinasa ko na ang papel ko, nakasabay ko pa si shamie Nauuna sya sakin palabas "Uuwi ka na ba?" tanong ko kay shamie "Hindi pa, may practice pa kami" "Ah sige una na ako, inggat" "Sige, inggat" nag iba na kami ng direction Mabilis lang akong nakapunta ng parking lot, nagdrive na ako pauwi Weekend na uli Naabotan ko naman ang aking housemate na nanonood naman ngayon ng Hometown Cha Cha Cha "How's your foot?" Tanong ko "Masakit pa din" "Same parin ba tulad nung mga unang araw" "Hindi" "Ginagawa mo naman mga bilin ko diba" "Oo naman noh" "Okey mabuti naman" Pumunta na ako sa kwarto ko, nagpalit na din ako ng damit pambahay Umupo ako sa may study table ko tapos kinuha ko ang textbook ko tsaka binasa ang naka assigned sakin na irereport ko nag open na din ako sa google para maghanap din ng ibang pang ideas Gumawa na din ako ng sa ganon hindi ko na kailangang magpanic kung kelan malapit na ang reporting saka lang gagawa, its not me Lumabas muna ako ng kwarto para magluto, sa kitchen na ako dumiretso Nagluto lang ako ng chopsuey Nang matapos na ako magluto nag prepare na ako sa lamesa. Pumunta na ako kay katty na busy padin sa panonood "Kain na tayo" "Pwede dito na tayo kumain sa sala" "Mas adik kana manood sakin nyan, naku malala kana" "Ang boring kaya, kesa nakanganga ako dito" Pumunta nalang uli ako ng kusina at kinuha ang mga inihain ko don, sayang effort Dinala ko na sa sala ang mga pagkain namin at pinatong sa may table, naka dalawang balik pa ako, di ko kere dalahin lahat nuh Nagstart na kaming kumain "Bakit di ka kaya magtayo ng sarili mong restaurant" "Na amazed kana ba sa luto ko" "Dahil pinapakain mo ako lagi ng mga luto mo, sige na amazed na ako" "Pagluluto talaga ang asset ko, di lahat marunong magluto" "Okey na, enough na" "Tama na din pagkain mo tumataba kana" "Hindi nuh, sexy pa din ako" "Ay naku" "Pamilya mo ata don na tumitira sa trabaho nila, hindi na umuuwi" "Ah yung tatay ko ba at mga kuya ko?" "Yep" "No, wala talaga akong tatay na sundalo, kuyang police at nbi" "Huh?" "Sinabi ko lang yun, di ba wala akong tiwala sayo kasi baka kasi masamang tao ka, sinabi ko yun para matakot ka at hindi mo na ako gawan ng masama" "Eh nasaan totoo mong family" "Nasa malayo" "Kaya pala takot ka" "Haha ako matakot sayo sa liit mong yan, tyaka muka ka pang lampa" "H'wag mo akong maliitin, di mo ako kilala" "So what, and are you done na ba? Maghuhugas na ako ng pinagkainan, may gagawin pa ako" "Kanina pa" Niligpit ko na mga pinagkainan namin, may tatapusin pa akong report ko Pagkapasok ko ng kwarto dumiretso muna ako sa closet ko at kumuha ng damit mag shoshower lang ako gusto ko fresh ako kapag tutulog mamaya Pagkakuha ko lumabas na ako at pumunta na sa banyo After so many years, lumabas na ako ng cr Pagkadaan ko sa sala "Hey magshoshower kaba?" "Papahiramin mo ba ulit ako" "Hindi, tuyo na yung damit mong nakasampay" "Damot" Pumasok na ako sa kwarto ko at kumuha ng tshirt at jogging short and undies na di ko pa nagagamit, nag istock kasi ako kaya madami pa akong hindi nagagamit, Lumabas na ako dala ang damit na susuotin nya "Tara na liliguan na kita" "Kaya ko na ang sarili ko" "Trip kong liguan ka, kaya tara na" "Ayaw ko di nalang ako maliligo, gabi na pati oh" "Eh di half bath lang" "Ayuko parin" "Bakit ba ayaw mong liguan ka dahil ba makikita ko katawan mo? Fyi pangit ang katawan mo, wag kang mag alala di ko pagnanasaan yan pusa, mas maganda pa katawan ko kesa sayo" "Ah ganon, Sige tara na liguan mo na ako at nang makita mo ang sinasabi mong pangit kong katawan, wag na wag lang tutulo yang laway mo huh" "Tulo laway your face" Tumayo na sya, kaya mabilis ko syang inalalayan kasi naman parang hindi injury eh "Magdahan dahan ka nga" "Ang bango mo" s**t sabay lapit pa nya sa akin Inilayo ko sya sakin "Space please" "Bakit naiilang kaba?" "Hindi, ang baho mo" Kumapit sya sa leeg ko "Kaya tara na sa banyo, liguan mo na ako, ang init na ng pakiramdam ko" nakangiti pa ang gaga Napabuntong hininga nalang ako saka sya binuhat pa banyo Pagkapasok namin binaba ko sya sa tapat ng shower, Nilagay ko muna yung damit nya sa may sampayan. Pagharap ko sa kanya, saktong hinuhubad na nya damit nya, mapapansin ko talaga yung buo nyang katawan, ito lang masasabi ko, nahiya ako sa sinabi ko kanina "Laway mo pakipunasan" "Huh?" Tanong ko "Laway mo tumutulo na" Napahawak ako sa bibig ko, wala naman eh ginagago ba ako nito "Hahaha may pagnanasa ka talaga sakin" "Wala no, kapal mo" "Liguan mo na ako" "Ikaw na lang kaya mo na yan" "Hahaha wala ka palang isang salita eh" "Ewan ko sayo, paa mo huh inggatan mong wag madulas" "Gagawin ko para sayo BABE hahaha" Lumabas na ako ng banyo, Siraulo ang potek Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko ang laptop, textbook at phone ko tyaka ako pumunta sa may sala at doon ko binaba ang mga kinuha ko. Itutuloy ko lang ang hindi ko natapos kanina medyo konte nalang ito Nagtype lang ako nang nagtype ng narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo kaya napalingon ako kita kong papalabas na sya "Dyan ka lang" sigaw ko sa kanya Iniwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta ako sa kanya "Pasaway talaga, kapit ka sakin" binuhat ko na sya "Sa tuwing binubuhat mo ako para tayong bagong kasal" "Gusto mo honeymoon tayo" "Ang bastos mo" "Hindi yun bastos, PAG-IISA yon, ginagawa yun kapag newlywed" "Ikaw ang sinasabi kong bastos" "Manahimik ka na lang kasi" Binaba ko na sya sa couch At ako umupo na din tatapusin ko lang tong ginagawa ko "Project mo?" "Irereport ko" Nanood na lang uli sya sa Netflix mukang tatapusin nya talaga ang buong series ng Hometown —— Hays 11: 50 na nanggabi ako natapos niligpit ko muna ang aking mga gamit Napatingin ako sa katabi ko nakatagilid sya ng higa at nakabaluktot pa sya, sana all tulog na Pinatay ko na ang tv Inayos ko ang kumot ni katty at pinatay ko na ang ilaw sa sala na ngayon ay tanging ilaw nalang sa labas ang nagsisilbing liwanag dito Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na din **************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD