TALLY POV
Pumunta muna ako sa mall may kailangan lang akong bilihin siguro kung may makita pa ako na magugustohan ko bibilhin ko na din, feel ko lang mag shopping today, i dont know why, sa school supplies section muna ako unang pumasok kumuha muna ako ng mini cart, mga ilang hakbang lang ako nang makita ko na ang bibilhin ko, kumuha ako ng isang box na sign pen, last na ang ginagamit ko kanina kaya bibili na ako mahirap na baka maubosan ang dadamot pa naman magpahiram ng mga classmates ko, kumuha na din ako ng highlighter pen na color pink napansin ko kasi kaya kumuha ako
Nagikot ikot lang ako hanggang nagpasya akong sa Grocery section, pumunta ako sa mga frozen foods, may naisip akong kalokohan binuksan ko ang glass ng refrigerator kunyari pumipili ako, trip ko lang ilabas yung lamig ng ref, nagtagal ako sa ganong gawa ng mapansin kong nakatingin na saakin ang dalawang crew na parang sinasabi na 'siraulo ba to' eh frozen na frozen na eh di ko na nga makita yung longganisa sa loob ng pack dahil yelo na, at dahil matino pa din ako kumuha na lang ako ng isang pack ng hotdog at dalawang pack ng tocino oh diba may benta na sila nyan.
After that sa mga snacks naman ako pumunta, nang makakita ako agad ng whatta tops mango graham kumuha ako ng dalawang pack nito, saka naglakad lakad ulit ako at nakita ko ang favorite ko hello piattos nagkita na naman tayo kumuha ako ng lima ilalagay ko na sana sa cart ng malaglag yung isa, nilagay ko muna sa cart yung iba ko pang hawak tyaka ako yumuko para damputin ang piattos na nalaglag. Sa pag angat ko nagulat pa ako dahil nakita ko ang babaeng minsan ko nang nakasama sa bahay
"Tally" mahina pero sapat na para madinig ko
Nilagay ko sa cart ang nilimot ko na piattos
"Oh"
"Gus-"
"Sinusundan mo ba ako? Di ba sabi ko ayaw na kita makita" sya ang nakita ko doon sa school base narin kasi sa damit nya na suot-suot
"Kaila-"
"Tama na panloloko mo" di ko nanaman sya pinatapos ng sasabihin nya, bastos na kung bastos
"Pwede ba patapusin mo muna ako" nabigla ako sa paglakas ng boses nya
"Ikaw lang ang alam kong makakatulong sakin kaya nagawa ko yun dahil sabi mo kapag magaling na ako papaalisin mo na ako, natakot ako na mangyari yun ikaw lang ang pagasa ko"
Natameme ako sa sinabi nya, may part sa akin na nagsasabi na patawadin ko na sya at tulungan kung ano man ang nais nya pero may part din na wag ko syang paniwalaan baka nagsisinungaling na naman nya
"Madami pa dyang iba natu-"
"Tally" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang tumawag sa akin mula sa aking likudan, nilingon ko ito para malaman kong sino ang tumawag
Nakita ko si harley na papalapit sakin may tulak tulak din syang cart napansin ko ang pagtataka sa mukha nya
"Bakit ganyan muka mo, parang gulong gulo ka sa buhay mo"
"Naka drugs kaba?" Huwatt mukha ba akong nagshashabu, sa nakikita ko ngang itsura nya ngayon parang sya yung nagdadrugs
"Hindi ah, para kang adik eh, tinawag tawag mo pa ako para lang tanongin kung nagshashabu ako"
Nga pala si katty pagtingin ko sa harapan wala na sya luminga linga pa ako
"Sino hinahanap mo?" Curious nyang tanong sa akin
"Si katty kausap ko kanina bago ka dumating"
"Huh?" Mukang naguluhan pa sya
Di ko na lang sya sinagot nagloloading sya eh
"Pipila na ako sa counter, ikaw ba?"
"Sasabay na din ako"
At pumila na nga kami sa counter naging tahimik lang kami habang nakapila.
Nang matapos na akong magbayad at makuha ang resibo kinuha ko na ang mga pinamili ko na nakalagay sa paper bag, pumuwesto muna ako sa may gilid para hintayin si harley na nasa counter pa, nang matapos na sya lumapit na ako sa kanya
"May sasakyan kaba?"
"Wala, gamit ni kuya ang kotse"
"Sabay kana sa akin hatid na kita"
"Sige"
Nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot, saglit lang din kaming naglakad dahil nasa malapit lang naman ang kotse ko
Yung mga pinamili ko at yung pinamili ni harley ay sa may back seat na namin nilagay,
Habang nasa byahe kami napansin kong panay ang tingin sa akin ni harley, hindi naman ako mapakali na ganto ang kaibigan ko parang may gusto syang sabihin
"May ipagtatapat ka ba sa akin? kanina kapa dyan parang may balak sabihin"
"Di ka ba talaga nag shashabu?" Ano ba namang tanong yan, yun parin ba tumatakbo sa utak nya
"My god harley, siraulo ba ako para magshabu, masaya na ako sa buhay ko bakit sisirain ko pa, tyaka bakit mo ba naisip yan?"
"Kasi kanina sabi mo may kausap ka"
"Yeh meron nga, gusto nya na tulungan ko pa sya, eh may nagawa sya sakin na di ko nagustohan"
"May nakikita ka ba na di ko nakikita kasi tally magisa ka lang kanina nung nakita kitang nagsasalita don, kaya nga tinanong kita kung nagshashabu ka"
"Wait" naguguluhan ako sa mga sinasabi nya, kinabig ko muna patabi ang kotse ko saka ko pinatigil.
"What do you mean na nagiisa lang ako don kanina eh ang linaw linaw na nakausap ko sya"
"Di kaya multo ang kausap mo kanina"
"Imposible, muntikan ko pa nga yun mabangga-"
"WHAT, nabangga mo sya"
"Relax ka lang pwede, hindi naman sya napurohan, nagsinungaling pa nga sya sakin na nainjure sya ng bongga, pinatira ko pa sya sa apartment ko, tyaka binuhat buhat ko pa sya kasi nga injured, kaya napaka impossible na multo sya eh binuhat ko nga"
"Feeling ko talaga multo yon"
Wait lang may naalala ako bigla agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang gallery ko hinanap ko ang isang picture na magpapatunay na hindi sya multo, nang alam kong nakita ko na pinindot ko ito
"Look, kuha ko ito nung una kaming nagkita" binigay ko agad sa kanya ang phone ko, nang makuha nya ito agad naman nyang tiningnan ngunit kumunot naman ang mukha nito
"Nasaan sya?"
"Huh?" Inabot nya sa akin ang phone ko para tingnan ng maayos tinaasan ko pa ang brightness nito.
Naramdaman ko na lang ang lamig na umakyat hanggang sa batok ko at ang mabilis na t***k ng puso ko, at halos hindi ko magawang igalaw ang katawan ko, napagtanto ko na passenger seat lang ang makikita sa picture wala ang babaeng dapat na nakaupo dito. Tama si harley she's a ghost pero bakit ko sya nahahawakan
At ngayon ko lang na narealize ang lahat kaya pala
"I'm scared harley"
"Lakasan mo lang ang loob mo tandaan mo mas nakakatakot ang buhay kesa sa patay"
"Pano kong patayin nya ako sa sindak"
"Gaga eh di magpray ka lagi, ikaw kasi hilig mo manood ng horror yan tuloy" iiwasan ko na nga manood ng horror
Nang medyo nag normal na ang pakiramdam ko, nag drive na ako pauwi
"Harley pwede mo ba ako samahan"
"Gusto ko man pero kailangan ng tulong ngayon ni mama, kung gusto mo sa bahay ka nalang muna, kung talagang takot ka" nginisihan pa ako ni harley doon sa huli nyang sinabi
"Hindi ako takot no, kaya ko na magisa ihahatid nalang kita sa inyo" nagpatuloy lang kami sa pagbyahe
Bahala na nga
Tumigil ako sa isang kulay gray na gate
"Salamat sa paghatid mo, ingat ka huh lakasan mo loob mo, pray ka lagi" lumabas sya at binuksan ang pinto sa back seat at tyaka nya kinuha mga binili nya
"Babye" paalam nya
"Sige babye"
Nang maisarado na nya ang pinto ay nag start na uli akong mag drive pauwi, mabilis ko lang tinahak ang daan, ayuko na magtagal pa sa pag dadrive, pagkadating ko ay ipinark ko na agad ang kotse ko sa may garahe, kinuha ko na din ang mga pinamili ko saka ko sinara ang pinto ng sasakyan, habang paakyat ako pumasok na naman sa utak ko ang mga nalaman ko kanina, kailangan makausap ko sya, gusto ko malaman ang totoo mula sa kanya, malalim ang pagiisip ko habang naglalakad diko napapansin ang mga nakakasalubong ko, bahala na sila.
Nang malapit na ako sa pinto, napansin ko ang taong nakatayo sa may pader
"Katty!" may pagkagulat ang aking pagbigkas ng pangalan nya
Humarap ako sa pinto at binuksan ito, pinapanood nya lang ako habang binubuksan ang pinto
Bahala na nga talaga ito
"Pumasok ka dito"