Hilong hilo akong napaupo sa silya. What the hell is wrong with me? May sakit ba ako? Okay naman ako kanina ha? Sinubsob ko na lang ang ulo ko sa mesa. Feeling ko talaga masusuka na 'ko! Isang ingay mula sa isa pang upuan ang nadinig ko. Yung bango rin ni Stan ay nalalanghap ko na. Lumapit siya sa akin? "Are you sick?" Tanong niya agad. Gusto ko mang umiling ay hindi ko magawa. Parang lalo pa akong mahihilo pag gagawin ko 'yon kaya hindi ko na lang siya sinagot. Hinawi ni Stan ang buhok kong tumatakip sa aking mukha. Sumilip siya pailalim para siguro makita ang kabuuan ko. Gusto ko sana siyang tawanan kaso ay baka naman masuka ako sa mukha niya. "You don't look okay." Aniya Mahina man ay pinilit kong inangat ang ulo ko at sinandal sa likod ng upuan. Kumakalam na ri

