Gabi na at nagsimula na rin ang party ni Ate. Nandito lang ako sa labas ng bahay at paminsan minsan ay nakikipag batian sa mga kaibigan ni Ate. Hindi ko kasi maintindihan yung sinasabi niya sa loob, e. Puro business nanaman. Paparating na rin si Daile dahil business partner ni Ate ang Tatay ng bestfriend ko. Yung tatlong itlog naman ay hindi ko pa mahanap, kanina kasi umalis pa si Sevhire. Sina Syche at Stan naman ay hindi pa umuuwi mula kanina. May pinagbuksan ng gate si Mang Kanor, nakita ko na agad ang maganda kong bestfriend kasama ang magulang nito. "Maria Dalia Asahi!" Sigaw ko sa buong pangalan niya. Halatang nainis siya sa ginawa ko pero 'nong mapagtanto niya kung sino ang sumigaw ay binigyan niya lang ako ng matalim na titig tapos ay lumapit siya sa akin. "Bwisit k

