Amoy peppermint. Kahit pa mabango ang kamay ni Jackson, kamay pa rin nya ang nakatapal sa bibig ko ngayon at nakakadiri naman kung maglalaway ako. Pinilit kong ibalik ang pokus ko sa kung anong nangyayari sa harap namin. Nakasiksik kami ngayon sa isang sulok na hindi naaabot ng ilaw kaya mas panatag ang loob ko na hindi kami makikita. Sa sobrang tahimik namin ay pakinig ko na ang paghinga ko pati na rin ang kay Jackson. Maging ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba ay pilit kong pinakalma pero parang lalo naman iyong lumakas. "s**t" Napatingin ako ay Jackson ng magmura ito. "B-bakit?" kinakabahan kong tanong. He always find a way out of every problem so kapag narinig ko ito na nagmura sa isang sitwasyon ibig sabihin hindi ganon kadali ang mga mangyayari. "Aabutan na tayo ng curfew"

