Magulo ngayon, i mean hindi ko maintindihan kung sino ba ang nagsasabi ng dapat sundin. Kung si Jackson ba o ang Council. Well, obviously si Jackson. Kinansela nito ang pasok ngayong oraw at pinalilibot ang mga officers para magsuot ng pin sa bracelet ng mga estudyante bilang tracker. Kanina pa may dumaan sa pinto ko na officer pero hindi naman ako nilagyan ng kahit ano kaya nagtaka ako. Nagkibit balikat na lang ako at nanatili sa sala. Napatayo ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto ko. Bago ko buksan ang pinto ay tiningnan ko muna sa computer kung saan nakadisplay ang mga kuha ng camera kung sino iyon at agad ko namang binuksan ang pinto nang makitang si Jackson iyon. Agad itong pumasok at isinara ko naman ang pinto. "Why didn't they--" "I told them not to" putol nito sa ak

