"Sigurado ka bang hindi ka sasama?"
Napalingon ako kay Tia, as i call her, saka umiling. Umayos ito ng upo mula sa pagkakadapa sa railing ng rooftop ng isang 20 storey building at sumimangot sa akin. Hindi nito alinlangan kung mahulog man ito doon.
Well, hindi naman sya mamamatay.
"Bakit naman?" Tanong nya
"Ano namang gagawin ko doon, Tia?" Sabi ko.
Niyaya nya kasi ako na sumama sa kanila bukas ng gabi, though hindi nya pa sinasabi kung saan. Sigurado naman ako na kasama nya sina Yal, isa pa nyang kaibigan na may sarili nang barkadang sinasamahan.
I floated to the railing where Tia is currently sitting. And yeah, i did said i floated. I'm a ghost. Or an Umbra as what people of Milena called us.
I looked down and saw the lights coming from the buildings, mga building na kahit gabi na ay nag-ooperate pa rin. Milena is a city powered by Artificial intelligence and advance technology. And yet here we are, Ghosts.
We don't have a shell, or what they call our bodies. As the consciousness leaves the shell, the memories fades. So as a ghost, we don't remember anything noong buhay pa kami.
We made up new names. Such as Tia, and mine's Alitalia. My previous friend who found a body gave me that name, but Tia and others call me Ali.
"Saan ba kasi ang punta nyo?" Tanong ko sa kanya
I stand up and walked in the air. Being an Umbra have its perks. Una, hindi ka mamamatay, of course kasi patay ka na at wala kang shell na pwedeng madamage. Pangalawa, you won't be able to feel anything. Hindi ka magkakasakit o masasaktan nang mga bagay dahil tatagos lang yon sayo.
"Doon sa building na puti. Yung nasa ilalim ng Taurum." Sabi nya
She floated right in front of me at ikinurap kurap ang mata nya na para bang nagpa-puppy eyes sa akin.
"Sumama ka na please! Malay mo doon ka makakuha ng shell mo!" Excited nyang sabi
"Hanggat hindi ko nababasa kung ano ba yung building na yon, hindi ako pupunta don. Malay mo bawal pala tayo doon!" Sabi ko sa kanya at nilagpasan sya.
"Eh mukha kayang ospital yon kasi kulay puti! Paano kapag may mamamatay doon, edi pwede mong kunin ang shell nya. At isa pa, Ali naman! Kahit naman bawal tayo don, hindi nila tayo mahuhuli! Hello! Hindi kaya nila tayo nakikita!" She said while waving her hands in front of my face.
"Paano pag morgue pala yon?" Sabi ko
Sumimangot naman sya at tinalukuran ako habang bumubulong bulong ng killjoy.
Dahil wala kaming memory, madami sa amin ang hindi din marunong magabasa. Nagrerely na lang kami sa mga clues kagaya ng kapag puti at may mga taong nakaputi o kaya may wheechair o stretcher, ibig sabihin ospital iyon. Dalawa lang ang alam naming lugar na sigurado kami sa pangalan.
Taurum at Oxygen.
Malaking building ang Taurum na sphere ang hugis, kulay puti at Gold ang kulay nito. Nakalutang ito sa ere. Nandoon ang mga Council na nagpapatakbo ng Milena at doon na rin nakatira ang mga ito pati ang mga pamilya nila. Bihira lang sila bumaba dito.
Tumingin naman ako sa katabi din nitong building na sphere din ang hugis. Oxygen ang tawag nila don at doon nakatira ang mga mayayaman at may pera sa Milena. May school sa loob mismo ng building na iyon. Malaki ang Oxygen pero di hamak na mas malaki ang Taurum dito. May mahabang metal na tulay ang nagko-konekta sa dalawang city.
May eskwelahan din dito sa baba pero dalawa lang ito. Isang public at private. Mas maayos ang mga facilities sa private, syempre, pero wala nang mas gaganda pa sa school sa Oxygen.
Napatulala ako sa dalawang malaking bilog na nakalutang sa ere. Kahit saan ka magpunta sa parte ng Milena ay makikita mo ito. Para itong tala lalo na ngayong gabi dahil sobrang liwanag ng mga ilaw don.
Sigurado akong walang wala itong mga nagtataasang building sa kung gaano ka modernize at advance ang technology sa dalawang floating city na iyon. Dito sa baba, kapag may trabaho ka o may ari ka ng maliit na negosyo, napaka swerte mo na. Kahit na advance city ito ay napakahirap ng buhay. Kakayod ka para makakain ka lalo na kung may pamilya kang binubuhay.
Pamilya.
Meron kaya ako non? Ano kayang itsura ng pamilya ko noong may shell pa ako? Buhay pa kaya ang mga magulang ko? Sino ako?
Napatingin ako kay Tia nang bigla itong umungol na parang multo. Napa-tsk ako. Kadalasan nya iyong ginagawa kapag naboboring sya. Ang sabi nya, panakot daw sa mga tao.
Para namang naririnig nila kami.
Alam ng taga Milena ang existence namin, nevertheless hindi naman nila kami nakikita o naririnig, pero nararamdaman nila kami.
"Sasama ka na baaaaa?" Tanong ulit sa akin ni Tia. Ginamitan pa nya iyon ng tono ng nursery rhyme na naririnig nya kapag nakikiusyoso ito sa eskwelahan ng mga bata
Umiling ako. Ayoko nang magkaroon pa ng komplikasyon ang buhay--este ang paninirahan ko dito sa Milena. Ayos na ako sa palutang lutang ako sa paligid, pagdalawa sa mga baby sa ospital at panonood ng mga kumakain sa restaurant nang hindi ako nakakaramdam ng kahit anong gutom!
At hindi rin ako tumataba!
"Ang kj mo talaga, Ali!" Irit nya
Napangiwi naman ako dahil masakit sa tenga kapag ginagawa nya iyon. Ewan ko ba, hindi na ako nasanay eh palagi naman nya itong ginagawa kapag naiinis sya.
"Hindi ako kj, Tia. Sige nga," i paused and then cross sitting position ako habang nakalutang at nakaharap sa kanya. "Una, illegal ang gagawin nyo! Kailangan alam ng Councils dito sa baba ang gagawin nyong pagovertake sa katawan para mairecord yon sa Taurum! Kung hindi, magiging illegal ang Shell na makukuha mo! Pangalawa, paano mangyayaring kukunin nyo ang katawan at ilalabas nyo yung mga katawan na naglalakad, paano kung patay na ang may-ari ng shell na yon!" Pasigaw kong paliwanag sa kanya
Mayroong isang center na itinayo dito sa Milena na pwedeng makatulong sa mga kagaya naming walang shell. Pwede kaming dumulog doon at isulat ang pangalan namin at ang concern. Hahanapin nila ang kamag-anak namin at ipapaalam iyon sa kanila. O kaya naman pwedeng ang mga buhay pa naming kamag-anak ang dumulog doon para magkaroon kami ng bagong shell.
Isa lang ang malaking problema. Napakamahal ng sinisingil nila. Sa pagkakaalam ko ay iilan pa lang sa mga taga dito ang nakapag transaksyon sa opisinang iyon. At halos mabibilang lang iyon sa dalawang kamay. Mga namatay na person na ang ginagamit nilang shell at kaya mahal ang bayad ay dahil binabayaran din ng opisinang iyon ang kamag anak ng mismong may-ari ng shell bilang pa consuelo sa pag gamit ng katawan.
"Hindi nyo na ako maaalala" malungkot na sabi ko.
"Pag pumasok kayo sa bagong shell, matatanggal na ang alala nyo sa nakaraang buhay nyo habang Umbra pa kayo" sabi ko sa kanya.
Nakita kong tumamlay sya bigla. Lumapit sya sa akin at niyakap ako.
"Pleaseeee. Wag mo na ako konsensyahin. Gusto ko lang namang magkabuhay" sabi nya
If she's alive right now, i know she would be crying already. May kaartehan itong babaeng ito pero masyado itong sensitive.
"Ano bang pinagkaiba ng ganito sa buhay?" Usal ko
"Gusto ko lang maramdaman na mapagod, magutom tsaka malungkot. Hindi ko alam kung nabroken hearted na ba ako sa past life ko pero gusto ko namang umiyak sa isang papa!!" Maarte nyang sabi habang pinupunasan ang imaginary tears nya.
Sinimangutan ko sya lalo.
"Ewan ko sayo!" kunwaring nagtatampo kong sabi
She jokingly touch her chest like she's hurt because i yelled at her.
"Ang harsh mo talaga!" she smiled. "Kapag nagbago ang isip mo sabihan mo lang ako ha!" makulit nyang sabi.
Tumango na lang ako at pinanood syang umalis sa rooftop. Umupo ako sa gilid ng railing at pinagmasdan ang buong Milena. I sighed. Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang pinagkaiba nito sa isang buhay na tao. Nakikita ko rin naman ang nakikita ng mata nila, nakakatagos pa nga ako sa pader! Lumilipad ako at ang mahalaga sa lahat, hindi ako nagugutom!
Wala na akong ginawa nang gabing iyon kundi tingnan ang dalawang floating city sa taas. Ganoon lumipas ang buong magdamag ko. Hanggang sa dumating na ang umaga, tumalon ako mula sa rooftop ng building at naglakad papunta sa nursery ng hospital. Ganoon lagi ang ginagawa ko tuwing umaga. Ilang oras ko ring pinaggigilan ang mga braso, daliri at pisngi nila.
Hindi naman nila nararamdaman!
Pagkatapos noon ay nagdesisyon na akong lumabas ng nursery. Pagkatagos ko sa pintuan ay napaurong ako sa gulat. Nakalimutan kong tatagos nga lang pala ang mga bagay sa akin. Mabilis kasing itinutulak ang isang stretcher na may lamang duguang lalak na mukhang naaksidente.
I sighed. I don't know why, pero hindi lahat ng namamatay sa Milena ay nagiging Umbra. Maybe because they have some unfinished business or ang theory ng iba, kapag nandito pa or hindi pa nade-decompose ang shell mo, hindi ka pa makaka-alis, which i doubt dahil siurado naman akong wala na akong shell dahil halos limang taon na akong Umbra.
Lumabas na ako ng ospital. Sikat na sikat ang araw pero parang tumatagos lang ito sa akin, wala rin akong nararamdamang init. Tiningnan ko ang likod ko. Wala din akong anino. I floated hanggang makarating ako sa tapat ng tulay na nagkokonekta sa Oxygen at Taurum City. Gawa ito sa puting metal at transparent na makapal na salamin.
Pinagmasdan ko ito kahit wala akong masyadong nakikita sa loob. Walang tao o kahit ano, puro pinto at hallway lang nakikita mula sa labas.
Yumukod ako para titigan ang mga taong naglalakad sa baba. My eyes immediately caught up a man. He is surrounded by several men whose wearing black suit. Mukhang mga bodyguard ito. I recognized the man in his 20's. It's Jackson McQuoid. It's the Vice-President's son.
Madalas itong walang imik pero madalas itong nakikita dahil bumababa ito galing sa Oxygen City kung saan ito nag-aaral. Lagi syang pumupunta sa puting building sa ilalim ng Taurum. Iyon ang building na tinutukoy nina Tia na pagnanakawan nila ng shell.
He looks deviously handsome with his almost tanned skin and Olympian figure. Magulo ang buhok nito pero hindi naman ito mukhang bruho.
Malayo itong maging bruho.
Isa lang talaga ang ayaw ko sa kanya, mukhang hindi yata nararanasan ng mga mapupula nitong labi, na sa palagay ko'y mas mapula pa kesa sa akin, na ngumiti. Hindi ito ngumingiti!
Para tuloy pasan nito ang mundo dahil lagi itong seryoso. Wala mang balita na nagsusungit ito, wala din naman itong masyadong iniimikan dito dahil kung bumaba man ito ay lagi lang itong dumederetso sa building na iyon.
Ano kayang ginagawa nya don?
Nakakulay itim itong long sleeves na nakatupi hanggag siko at naka slacks. Bigla naman akong na-conscious sa ilong ko dahil parang umurong yata ito dahil sa pagkaperpekto ng ilong nitong si Jackson!
Hindi ba ilegal na maging ganoon kagwapo? Baka naman nagparetoke ito? O kaya may pinagawa kasi mayaman ito!
Pumasok na sya at ang ilan sa mga bodyguard nito, na mukha naman hindi nya kailangan, sa loob ng building at ang ilan ay naiwan sa may pinto para siguro magbantay. Halos kalahating oras itong nagtagal doon bago ito lumabas. Kausap nito ang ilan sa mga tauhan na kasama nya na parang may iminumwestra sa mga ito.
"Nagsasalita naman pala sya" bulong ko
Doon ko napansin na may kulay silver itong bracelet sa kaliwang pulsuhan nya. Manipis lang iyon kaya hindi gaanong mapapansin pag malayo at simple lang nag design. Bigla akong naguluhan ng parang may naramdaman akong init sa may dibdib ko kaya naman natakot ako ng husto at napatayo ako sa pagkakaupo.
Napatigil lang ako sa pagpapanic ng makitang aalis na ulit si Jackson kasama ang ilan sa mga tauhan nito. Napatingin ako sa isang malaking elevator sa ilalim ng Oxygen City. Doon dumadaan ang bumababa at umaakyat na mga nakatira doon. Sa pagkakaalam ko ay may barcode ang mga taga floating city sa pulsuhan nila at 'yon ang nagiging pass nila para makaakyat at makababa.
Jackson tapped his left arm in the scanner and the elevator immediately opened. Akala ko ay sasakay na ito pero parang biglang kumunot ang noo nito. Nagpalingalinga ito na parang may hinahanap at tumigil lang sya sa paghahanap ng magtagpo ang mata namin.
Nanlaki ang mga mata ko.
Nakikita nya ako?!
Ilang segundo syang nakatingin sa akin at hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa mata nya. Nag-iwas ito ng tingin at sumakay na sa elevator samantalang ako ay naiwang nakatulala.
"Almond" usal ko. "Almond ang kulay ng mata nya"