Twelve

1048 Words
Napatakip ako sa bibig ko. Isinandal ko ang ulo ko sa pader at dahan dahang huminga. Tiningnan ko ang Tablet ni Liam na nakalapag ngayon sa sahig katabi ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makitang wala na ang mga lalaki sa pinto ni Liam. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta pero wala na akong pakialam do'n.  Basta umalis lang sila. Lumabas na ako sa kwarto dala dala ang Tablet ni Liam. Nadaanan ko ang pinto at napatingin do'n saglit pero agad ko din iyong nilampasan dahil sa kaba. Lumapit ako sa bintana sa kusina kung saan tanaw ang daanan sa baba. May mga ilan na magkakasalubong pero puro ito may kanya kanyang ginagawa. Ang iba ay may kausap sa earpiece nila, ang iba ay casual lang na naglalakad. Halos lahat ng tao dito sa baba ay sa Government Agencies nagtatrabaho.  But, the sad fact is, kahit araw gabi ka magtrabaho dito sa Milena ay hindi ka yayaman. Pero bakit nagpupursige pa rin ang mga tao? Una, syempre para may makain. Para mabuhay. Pangalawa, isa iyon sa mga daan para maka-gain ng Citezenship sa Oxygen City. Dalawa lang ang daan para makapasok sa Oxygen City, una ay through White Program at pangalawa ay through Net Worth. May itinakdang Salary Income ang Counsel sa taas na kailangang maabot at pagdating mo do'n pwede mong iwan ang negosyo mo dito sa ibaba at maghire ng mga graduates galing sa Oxygen Institute para imanage ang negosyo mo sa ibaba. Pero, kung empleyado ka dito sa ibaba at pinagipunan mo lang ang Net Worth mo ay mahihirapan ka pagdating sa Oxygen City. Limitadong limitado lang ang mga bakanteng trabaho sa Oxygen City at kadalasan do'n ay mga Doktor. Hindi pwedeng magestablish ng negosyo do'n kaya mahirap ang pamumuhay kung hindi ka gaanong mayaman. Iba naman ang pangyayari kapag sa White Program ka napabilang para makaakyat sa Oxygen City. Mas maraming opportunity ang matatamasa mo. Mas madaling makahanap ng trabaho kahit saan, maging sa Oxygen City mismo, sa Ibaba o kahit sa Taurum City. Tumingala ako para tingnan ang dalawang Floating City. Buong tanaw dito ang Oxygen City pero hindi ko masyadong tanaw ang kabuuan ng Taurum dahil nahaharangan iyon ng Bintana ng kusina. No one easily gets in and when you got in, you will not want to get out. That's how life works at Taurum. Tanging mga Counselor, President at Vice President at ang mga pamilya nito ang nakakapasok at nakakalabas sa Taurum. Taurum is so much better than Oxygen City pero gaya ng sabi ko, mga may posisyon sa Gobyerno, mga nagtatrabaho sa mataas na posisyon gaya ng mga Executive Secretary ng President, Vice-President at ng mga Counselor, mga private Doctors at Lawyers nila ang may permanent Citizenship sa Taurum City. Kung Citizen ka na ng Taurum City, pwede kang mag-aral at magpunta sa Oxygen City o pagaralin ang anak mo. Kung magkaka pamilya ka ay automatically magiging citizen sila ng Oxygen pero tanging ang tao lang na nagtatrabaho mismo sa Taurum ang magkakaroon ng Taurum Citizenship.  Hindi din sila makakapasok ng Taurum City. Gano'n kahigpit ang Security Protocols sa dalawang Floating City. Bigla kong naalala si Jackson. Anak ito ng Vice President kaya automatic itong Citizen ng Oxygen at dahil ito na ang next in position, Acquired Taurum Citizen din ito. Too much privilege for one person yet so many are struggling just to get a piece of what he had.. Of what they have back in the Floating City. I looked down para pagmasdan muli ang mga tao. I can't even remember when was the last time i saw someone laugh like it's their last day on Milena. Masyadong busy ang mga tao sa pagtatrabaho. Ang mga bata naman, hatid sundo ng mga Rental Bot Maids. Medyo may kamahalan ang pagrenta sa mga Bot na magaalaga sa mga bata pero since karamihan naman ay may kaya dito sa Milena, hindi nga lang kasing yaman ng mga nasa Floating City, nakakaarkila sila para sa mga anak nila. Binitawan ko ang kurtina kaya sumara na ito. Pabalik na sana ako sa kwarto para sana matulog ulit para hindi ako mainip kakaintay kay Liam nang may maalala ako. Kahapon, no'ng nasa elevator pa ako, hindi ko masyadong naaninaw kung ano ba talaga ang itsura ng Shell na nakuha ko. Umikot ikot ako sa bahay pero wala akong nakitang salamin o kahit anong Reflective na bagay. Wala ding Camera ang Tablet dahil ang feature na iyon ay exclusive lang na nagagawa ng Bracelet.  Napakamot ako sa ulo ko. Siguro hihintayin ko na lang si Liam. Lumapit ulit ako sa bintana at sinilip ang Artificial Dome, tirik na tirik ang araw kaya sigurado akong tanghali pa lang. Hindi na naman lingid sa kaalaman ko na halos lahat ng trabaho sa Milena ay hapon pa natatapos. Busy ang lahat, lalo na ang mga Hunter. Isa ang Hunter sa pinaka mataas na trabaho na pwedeng maattain sa Milena. Mataas din ang sweldo nito at may mga bonus pa na pwedeng makolekta kung makakahuli ng mga Wanted dito sa ibaba. Sa pagkakatanda ko ay pangatlo ito sa pinakamataas ang sweldo dito sa Ibaba. Nangunguna syempre ang mga may-ari ng mga negosyo, pangalawa ang mga nag-oopisina o yung mga nakabase sa Government Office dito sa baba at sumunod naman ang Hunter. Si Liam kaya? Gusto din kaya nyang pumunta ng Oxygen City? Di bale, kahit hindi ko iyon itanong sa kanya alam ko na ang sagot. Halos lahat naman ng tao dito sa baba ay gustong makapunta do'n. Maayos ang lahat sa Folating City. Sagana sa pagkain at sa iba pa. Maayos ang pag-aaral at higit sa lahat, magagaling ang doktor at advance ang mga Ospital. Kung dito sa baba, kailangan pang operahan ang mga naaksidente, do'n ayon sa mga naririnig ko, inilalagay lang nila sa Medical Tube ang pasyente and voila! Gumagaling na ito. Wala pa yatang limang minuto ang proseso no'n. Ako? Hindi ko naman talaga gustong magpunta do'n. Masaya naman ako dito eh lalo na nung Umbra pa ako. Wala rin naman akong pinoproblema. Kung hindi nga lang dahil kay Yal. I always adore the Floating City, but that ends there. Because i know there is much more  in Floating City than what it seems. And i know its not that good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD