[FIRST LIEUTENANT PRESLEY EMERSON’S P.O.V.] “Sigurado ka ba na gusto mo talagang madestino rito? Maaari ka pang magbago ng desisyon habang hindi pa umaalis ang barko,” sambit sa akin ni Captain Mendoza. Siya ang kapitan ng Team Cavalry ng military naval base. Siya rin ang namamahala at namumuno rito sa barko. “Ayos na ako rito. Ilang linggo ko rin pinagisipan ang desisyon ko na ito. Narito na ako ngayon kaya wala na akong balak na umatras pa sa naging desisyon ko. Maaari na tayong umalis ngayon,” sinsero na sagot ko. Buo na talaga ang kagustuhan ko na makaalis sa bansa namin. Hindi rin ako pwedeng pumunta sa mga barracks namin sa ibang bansa. Maaari pa akong masundan doon ni Cade. Well, hindi ko naman sinasabi na baka sundan talaga ako ni Cade roon. Iniisip ko lang ang mga posibilidad

