[CAPTAIN HAMZA CAMERON'S P.O.V.] Nang lumapag na ang eroplano na sinasakyan namin ay nauna na ako na lumabas. Ako naman ngayon ang iiwas kay Savannah dahil sa hiya na nararamdaman ko. Baka iniisip na niya ngayon na inihiga ko siya at kusa ko siyang niyakap habang tulog siya, kahit na hindi naman talaga 'yon ang nangyari. Ang gusto ko lang naman kanina ay ang titigan siya habang natutulog siya. Hindi ko naman akalain na aantukin na rin ako at makakatulog. Lalo na at hindi ko rin naman intensyon na yakapin ko siya. Kahit na nakayakap din naman pala siya sa akin. Parehas naman kaming walang alam na ganoon ang nagawa namin sa isa't-isa. Hinabol naman ako ng tatlo kong mga kasamahan. Sigurado ako na aasarin na naman nila ako ngayon. Naglalakad na kami ngayon papasok sa airport. "Masarap ba

