[MAJOR CADE SAWYER’S P.O.V.] Ilang araw na ang nakalipas nang makita namin ang mga banta na ‘yon sa katawan ng mga mababangis na hayop. Palagi kaming alerto at handa sa mga posible na mangyari. Ngunit tahimik at normal lamang ang bawat araw na lumilipas. Mukhang nakatunugan ng red snake na maghihigpit at handa kami matapos ng mga banta na ipinahatid nila sa amin. Ano pa nga ba ang aasahan nila? Sino ba naman ang hindi maghahanda kapag nakakuha ng mga banta? “Kumain muna kayo. Inihanda ito ng medical team,” sambit ni Gunner sa lahat. Napakunot naman ang noo ko at nagtataka. “Kailan pa naging taga-luto ang medical team natin?” tanong agad ni Hamza sa kanila. Itatanong ko na rin sana ‘yon ngunit naunahan na niya akong magtanong. Hindi namin pinagluluto ang mga medical team namin simula pa

