♥ TWENTY THREE ♥ IRENE "Irene..." Tawag ni Manang Lolith ngunit hindi ako nakakibo. Nanatili akong nakatulala sa kawalan habang nakalapag ang kamay sa mesa. "Irene?" Ulit niyang tawag. Doon lamang ako nagbalik sa reyalidad. "Huh? Uh, p-pasensya na po, manang." Paumanhin ko. Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha. I've been spacing out since we got here. Halos isang buwan na...pero dama ko pa rin ang sakit ng naging desisyon ko. Hinaplos ko ang aking tiyan habang mariing magkadikit ang aking mga labi. Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga. Bakit ba hindi mawala-wala sa isip ko si Baron? Siguro dahil alam kong may malaki akong kasalanan sa kanya. It wasn't entirely my fault but I still feel guilty. Two weeks ago, he went here...and everything's still clear in my head

