♥ FOURTY TWO ♥ IRENE Pilit kong pinalis ang aking mga luha saka ako humugot ng malalim na hininga. I released a heavy sigh and tried my best to calm myself. "W-Wala na bang ibang paraan?" Untag ko sa garalgal na boses. Malungkot na umiling si Gimeno. "Naalala mo ba ang pagkamatay ng iyong ina?" Tumango ako, bahagyang kumunot ang aking noo. "Anong kinalaman ng nangyari kay Mommy?" Napaiwas ng tingin si Gimeno. Hinilot niya ang kanyang batok na tila nahihirapan siyang umpisahan ang nais sabihin. "I..." Marahas siyang bumuntong hininga. "I'm sorry, hindi ko naprotektahan si Irish." Nabalot ng pagtataka ang isip ko dahil sa sinabi niya. "Kilala mo ang mommy ko?" Tumango-tango siya. "Nang makita ko noon ang koneksyon ninyo ni Marifer, sinubukan kong kausapin ang nanay mo. Noong una hi

