♥ NINETEEN ♥ IRENE What Baron did really bothered me. Halos hindi na ako makapag-isip ng maayos habang inaayos ko ang mga gamit ko. Kahit na anong gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko ang kung anumang iniisip ni Oliver ngayon tungkol sa akin. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong maisara ang maleta ko. Nang makita kong pumasok si Baron sa loob ng kwarto ay dali-dali kong tinungo ang banyo. "Maliligo lang ako. Kung gusto mo ilabas mo na ang maleta ko." Untag kong hindi pa rin maitago ang inis. Marahas kong isinara ang pinto pagtapos. Hindi ko na hinintay pa ang kung anumang sasabihin sana niya kanina. Hinubad ko ang damit ko saka ako dali-daling nagtungo sa shower. Maybe this cold water could help me think properly. - Matapos maikarga ni Baron ang maleta

