♥ FOUR ♥
IRENE
Marahang haplos sa aking buhok ang gumising sa akin. Ang bigat ng ulo ko at pakiramdam ko ay nasusuka na naman ako.
Ikinurap ko ang mga mata ko para luminaw ang paligid. My eyes slowly scanned the familiar room. My room. The scent of my lavender air freshener and the smell of fabrics I store near my closet linger in my nose.
Ano bang nangyari?
Pilit kong inisip kung bakit narito na ako. Unti-unti kong naalala ang paghatid sa akin ni Oliver. Ang date namin, at ang...
Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ako ng bangon. "Holy motherfu--"
Natutop ko ang bibig ko at pinigilan ang murang muntik nang lumabas dito nang makita si Daddy na nakaupo sa tabi ng kama at nakataas ang isang kilay sa akin dahil sa narinig.
I swallowed the F word and tried to redeem my composure. "M-mother of p-pearls...H-hey Dad." An awkward smile made it's way to my lips.
Tinupi ni Daddy ang kanyang mga braso saka niya ako matamang tinitigan na tila hinihintay ang paliwanag ko.
"Who's that guy, Irene?" Seryoso niyang tanong.
Sa isang iglap gusto ko na lang sapakin ang sarili ko at bumalik sa pagtulog. I hate serious talks like this. Pakiramdam ko wala pa man akong nasasabi dinudurog na ni Daddy ng pinong-pino ang taong pag-uusapan namin.
Sinubukan kong huminga ng malalim. "He's a friend, Dad. Anong ginawa mo sa kanya?"
"Shot him." Walang gana niyang tugon.
Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang aking panga. "Dad! Are you serious?!"
"When did I c***k a joke?" Tumaas ang isa niyang kilay.
Pakiramdam ko tumigil ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Namutla ang mukha ko at nawalan ako ng lakas. Oh my goodness. Did my Dad really killed Oliver? Diyos ko, ano na lang ang gagawin ko nito?
Nanghihina akong napasandal sa headboard ng kama. Natulala na lamang ako at hindi alam kung magsasalita ba o sisimulan nang umiyak.
Oliver is a nice person. I can't believe Dad is capable of killing someone like him. Nasa tamang pag-iisip pa ba ang tatay ko? No sane person would ever kill a person with such great genes. Sayang. Sayang.
Napasabunot ako sa aking buhok saka mariing napapikit. Isinubsob ko ang aking mukha sa tuhod ko saka ko inis na ginulo ang buhok ko. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha ko dahil sa galit, awa, at takot dahil sa nangyari kay Oliver.
Malapit nang pumatak ang mga luha ko nang bumukas ang pinto at narinig ko ang pamilyar na tinig.
"Sorry, tito. Late na ang hirap maghanap ng doctor." He mumbled in a worried tone.
Napaangat ako ng tingin at nakita si Oliver sa pinto ng kwarto ko kasunod ay ang isang lalakeng mukhang doktor.
Nabaling sa akin ang mga mata ni Oliver. Tila biglang umaliwalas ang mukha niya nang makitang gising na ako.
A sigh of relief left his lips. Umalingawngaw ang kanyang mga yapak patungo sa akin. "Thank God you're o--"
Ilang hakbang na lamang ang layo niya sa akin nang biglang tumayo si Dad. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa tabi lang pala niya ang kanyang rifle. Kaagad niya itong itinutok sa dibdib ni Oliver dahilan para mapahinto ito mula sa paglapit sa akin.
Gumuhit ang takot sa mukha ni Oliver. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay senyales ng pagsuko ngunit nanatili ang titig niya sa mga mata ni Dad na tila nilalabanan ito.
"I swear, tito. I will never hurt your daughter. I just wanna check on her." Puno ng sinseridad niyang sabi habang nakatitig kay Daddy. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa narinig. Bigla kong gustong magtatatumbling una ang mukha.
Mahina siyang tinulak ni Dad gamit ang dulo ng rifle. "Back off. You're not a doctor to check on my daughter. Go home. It's already late."
"Pero tito--"
"I said go home. Didn't you hear me?" Galit na pinutol ni Dad ang sinasabi niya.
Hindi kaagad nakaimik si Oliver. Ilang segundo siyang nakipaglabanan ng titig kay Dad hanggang sa tuluyan niyang binaba ang mga kamay niya kasunod ay ang marahas niyang pagbuga ng hangin.
"Sorry po. I'll go ahead now." Napasulyap siya sa akin saka niya ako pilit na nginitian. "Bye, Irene. I'll see you again next time."
Bigla akong nalungkot nang tuluyan na niyang binulsa ang kanyang mga palad saka siya tila dismayadong umatras paalis ng kwarto.
Wala na akong nagawa nang tuluyan siyang tumalikod at tinungo ang pinto. Narinig ko ang katulong na inalok siyang ihatid na sa ibaba.
Bumagsak ang mga balikat ko nang tuluyan kong marinig ang pag-alis ng sasakyan ni Oliver. Sayang naman. Sana ay hindi siya natakot kung hindi ay baka talagang tumanda na akong dalaga nito. I really need to talk with Dad about this. Hindi na ako bata. I have my right to date someone just like my friends. Isa pa, wala na ang kainosentehang iniingatan niya. Wala na ang walang malay niyang prinsesa. I lost it with a sexy stranger I wish I will never meet again. Baka masapak ko lang ang taong iyon sa oras na magkita kami.
Naupo ang doktor sa silya sa tabi ng kama at sinimulan akong check up in. Iniwan na muna kami ni Dad dahil na rin sa pakiusap ko. I don't want him around whenever I'm with a doctor. Madalas niyang ineexaggerate ang mga bagay. I hate that about him.
"Madalas ka bang makaramdamng hilo lately?" Tanong nito.
"Medyo po."
"Naduduwal?" Tanong muli niya.
Tinango ko ang aking ulo. Kumunot ang noo niya at may nilista siya sa kanyang papel.
"Last period?" He mumbled.
"Two--" Natigilan ako nang marealize na hindi pa ako dinadatnan ulit. "T-two months ago..." I gulped.
Inayos niya ang kanyang salamin saka siya muling bumalik sa pagsusulat sa kanyang papel. Mayamaya ay pinunit niya ito saka ito iniabot sa kanya.
Binasa ko ng dahan-dahan ang nakasulat. Kumunot ang noo ko nang mabasa ito. Nagtataka ko siyang tinignan.
"An OB-Gynecologist?" Untag ko.
Mahina niyang itinango ang kanyang ulo. "Isang bagay lang ang nakikita kong rason para mawalan ka na lang bigla ng malay. I suggest you visit her clinic as soon as possible. If ever tama ang conclusion ko, then you need her advice."
Itinabi niya ang mga gamit niya saka siya tumayo. Nang magsimula siyang maglakad patungo sa pinto ay halos manlambot ako. I'm not dumb. I know what this could all be about and it scares me.
Halos ilang minuto akong nakatulala sa kawalan nang biglang tumunog ang phone ko. Hinanap ko ang bag ko para kunin ito roon. Nang makuha ko ito ay ang pangalan kaagad ni Oliver ang bumungad sa akin.
Oliver Craiman calling...
Pinindot ko ang accept button ng video call saka ako pilit na ngumiti. Bumungad naman sa akin ang nakangiti ring si Oli.
"Hey, Irene. Kamusta ang pakiramdam mo?" Malumanay niyang tanong.
His background is dark. Seems like he's inside his car right now. Ngunit kahit na madilim ang paligid niya ay sapat na ang kakarampot na liwanag para makita ko ang gwapo niyang mukha.
"I-I'm okay now. Thank you nga pala sa paghatid. Sorry for my Dad. He may seem psychotic but he's actually nice." Paliwanag ko.
A soft chuckle left his lips. "Don't apologize. Your Dad has enough reasons to do that. Masyado kang girlfriend material para lokohin lang ng kung sino-sino..."
Hindi ako nakakibo sa narinig. Pakiramdam ko uminit bigla ang mukha ko. He's complimenting me? Am I inside a dream? This can't be real.
Biglang nawala ang kanyang ngiti. "May nasabi ba akong masama?"
Natauhan ako sa narinig. Mabilis kong iniling ang ulo ko. "Wala, Oliver. N-Nabigla lang ako. Hindi lang ako sanay." Pilit akong ngumiti kahit na ang pula na ng mukha ko.
Gumuhit muli ang ngiti sa kanyang labi. "Get used to it, Irene. You deserve to be complimented every single moment."
Tuluyang lumawak ang ngiti ko. Pakiramdam ko magkakapasa na ang mukha ko dahil sa laki ng ngiti sa labi ko.
"Oh, Uh I'm just a few blocks away from your home. Hindi pa ako umuuwi. I forgot to give you something. Pwede ka bang bumaba sandali? Ibibigay ko lang 'to." He mumbled.
Kumunot ang noo ko. "What is it?"
"It's a surprise." Nakangiti niyang tugon.
"O-Okay. Ngayon na ba?"
Mahina niyang tinango ang kanyang ulo. Nang mamatay ang tawag ay halos talunin ko pababa ng kama saka ako maingat na bumaba ng bahay. Wala na si Dad sa sala. I wonder, sinabi kaya ng doctor sa kanya ang diagnosis niya?
Siguro hindi naman dahil kung sinabi niya malamang kanina pa sira ang mga gamit sa bahay. He's probably asleep by now. Lasing na siya kanina nang dumating ako.
Dahan-dahan ang hakbang ko sa ibaba hanggang sa marating ko ang main door. Bahagyang nag-ingay ang lock ng pinto kaya nataranta ako pero nang ilang sandaling wala namang bumaba ay dali-dali akong lumabas.
Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang pag-ihip ng hangin. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang kotse ni Oliver pero laking gulat ko nang makitang naglalakad lamang siya habang bitbit ang isang medium size na paper bag.
He flashed a sweet smile on his face the moment he stopped a few steps away from me. Itinaas niya ang kamay niyang may hawak na paper bag saka ito iniabot sa akin.
"For you...Hope you'll like Poe." He mumbled in a soft tone.
Kunot-noo kong tinanggap ang paper bag saka ito binuksan. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang laman nito. Dinukot ko ito palabas. Nawindang ang puso ko nang makita ito.
A panda bear with a note that says,
"Be my girl, please..."