♥ TWENTY SIX ♥ BARON "Again!" I hissed, pointing all the new Deltas, making them take another run in the woods of Astrid. "You run like gays! Mas mabilis pa ang normal na tao sa inyo!" Sa pagbaba ng kamay ko, nag-uunahan silang tumakbo papasok ng kakahuyan. Humugot ako ng malalim na hininga saka hinilot ang batok ko. Naupo ako sa hood ng kotse saka kinuha ang beer na iniabot ni Casidy. "Mainit yata ulo natin, Beta?" Kumento niya bago tinungga ang bote ng beer niya. Umiling ako saka nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "Pagod lang. Two hours drive din 'yong clinic na pinuntahan namin. Next time hindi ko na hahayaan si Ti na doon dalhin ang mga alaga namin." Ngumisi siya. "Tagal niyo na rin, Beta. Wala ka pa bang balak magsettle down?" Natigilan ako sa narinig. Tinungga ko a

