Faded
Tinakpan ko ang aking bibig nang humikab ako.
I don't think I can finish my tasks tonight. Kung bukas ay baka pu-pwede pa. Pero kung ngayong gabi malabo.
Nilingon ko naman si Sean na kakalabas palang ng banyo. He was already wearing shorts and a white sando.
"Uhm... Sean, pwede bang bukas ko na ng umaga bigay 'to sa 'yo? Pangatlong folder palang ako eh," pakiusap ko sa kanya nang papahiga na siya sa kama.
He looked at me na para bang iniisip niya kung papayag siya o hindi. Kahit naman hindi siya pumayag ay wala siyang magagawa dahil bukas ko pa talaga 'to ng madaling araw matatapos.
"Fine," sabi niya. "But you have to give it to me tomorrow. I need those files tomorrow."
"Okay..." sabi ko na lang.
Humarap ako ulit sa laptop ko at sinimulang basahin ang mga nasa pangatlong folder habang tinatype ang ibang suggestions at mga thoughts ko tungkol sa mga proposals na 'to.
Tinignan ko ang orasan at hindi ko namalayang alas-tres na pala. Konting-konti na lang at matatapos ko na, ngunit konting-konti na lang din at pipikit na rin ako...
Bigla naman akong nagising sa tunog ng alarm ng phone ko. Agad ko itong pinatay at nilibot ng tingin ang kwarto.
"Wala na si Sean..." sambit ko sa sarili ko nang makitang wala nang nakahiga sa kama.
Tinignan ko ang orasan at alas-sais palang. Ang aga naman niyang umalis ngayon. Mas nauna pa siya sakin.
Tatayo na sana ko nang makita kong biglang nawala sa pagkaka-hybernate ang laptop ko, kinusot ko pa ang mga mata ko dahil sa pagtama ng liwanag galing sa laptop.
I saved the ms word document where I put my insights and transferred the saved file to my flashdrive.
Pagkatayo ko ay saka ko pa lang napansin na may nakabalot pala sa aking comforter na nahulog sa lapag.
Napangiti naman ako. I was pretty sure that Sean was the one who did that. Kahit papaano'y pinapahalagahan niya rin pala ako. He's simple gestures are enough to melt my heart.
"Good morning, Manang," masayang bati ko kay Manang nang bumaba na ako pagkatapos maligo upang makapag-almusal na bago pumasok sa trabaho.
Ngumiti ito sa akin. "Gising ka na pala. Kumain ka na."
Tumango ako at agad nagsimulang kumain.
"Si Sean po? Nakaalis na po ba?" tanong ko.
"Oo, mga ilang minuto rin siguro bago ka bumaba,” sagot ni Manang. “Maghahanda pa raw siya para sa meeting niya mamaya kaya maagang pumasok."
Sayang naman pala. Dapat ay maaabutan ko siya kaso naligo pa ako't medyo matagalan din sa banyo.
Napanguso na lang ako at tumango-tango habang nginunguya ang aking kinakain.
"Buti nga at pumasok ako sa kwarto ninyo. Nanginginig ka na sa lamig kanina kaya nilagyan kita ng comforter," biglang pahabol ni Manang na nagpatigil sa akin sa pagkain.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "K-Kayo po ang naglagay ng comforter sa akin?"
Tumango agad si Manang. "Oo. Nilalamig ka na kasi. Hindi ka man lang kasi nilagyan ng asawa mo ng kumot."
So... I just assumed again? Kailangan ba ako titigil sa pag-assume na magbabago na si Sean? Iyon na ata ang pinakahuling mangyayari sa mundong 'to habang buhay pa ako.
"S-Salamat po kung ganoon." Uminom ako at pinahiran na ang bibig ko saka tumayo at nagpalaam. "Alis na po ako."
I suddenly lost my appetite. Nakakawalang ganang kumain.
Iba talaga kapag umaasa ka. Talagang kasunod nito ang sakit. Magkapartner na ata lagi ang dalawang 'yan. Hindi na mapaghihiwalay.
"Hindi mo man lang ba uubusin ang pagkain mo? Halos dalawang subo palang ang nakakain mo," tanong nito sakin.
Umiling ako. "Hindi na po. Ibibigay ko rin po kasi kay Sean ang pinagawa niya sa akin kagabi. Baka po kakailanganin niya sa meeting."
"Oh sige.” Tumango naman siya. “Mag-iingat ka, ah?"
Ngumiti na lang ako kay Manang at lumabas na ng bahay. Sumakay na ko sa sasakyan ko at tumungo na sa Sarto. It was a short drive dahil wala naman gaanong traffic.
"Oh! Nandito na pala si Ms. Cassandra Talavera na may kung anong disappearing act noong Sabado," bungad ni Nikki sa akin nang makita akong paparating sa aming cubicle.
Pagkaupo ko sa aking office chair ay lumapit silang tatlo nina Mae, Kacey at Nikki sa akin.
"Sino ang naghatid sa 'yo, ha?" kuryosong tanong ni Nikki.
"Just a friend na nakilala ko doon," simpleng sagot ko at binuksan na ang computer.
Mae raised her eyebrows. "Friend lang ba talaga?"
"Oo. Friend lang."
"Is it a boy?" sunod na tanong ni Kacey.
Tumango ako. "Oo. Lalaki siya."
"Oh my gosh!" sabay-sabay silang tumili ng mahina.
"Tell us more, Sandra! Is he one of God's gifts to us women?" kinikilig na tanong ni Nikki. "Mala-Adonis ba ang katawan?"
Kumunot naman ang aking noo. "Anong katawan ba ang pinagsasasabi mo?" I asked her, kinda irritated because she's getting the wrong idea. "Hinatid niya lang ako kagabi. Wala nang iba pang nangyari kaya kung ano man ang nasa utak ninyo, lalo na ikaw, Nikki... Alisin ninyo na 'yan."
"Pero syempre, makikita mo naman siguro ang tikas ni boy, ‘di ba?" Her voice was filled with sarcasm. "Ikaw ata ang nag-iisip diyan ng kung ano-ano eh."
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. "Okay... He's handsome and he has a perfectly toned body," sabi ko. "Oh, ayos na ba?"
I answered her question para matahimik na siya dahil alam kong hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi ko sila sinasagot.
Kinilig naman ulit silang tatlo.
"Ano bang pangalan niya? Natanong mo ba?" Mae asked.
"Brendt," simpleng sagot ko. "Brendt ang pangalan niya."
"Brendt?" ulit ni Nikki. "Brendt ano?"
"Hindi ko alam ang apelyido niya basta Brendt ang pangalan niya," sabi ko na lang at inilabas na ang flash drive saka ang mga folder na dala ko.
"Pero may number ka?" excited na tanong ni Mae.
Tumango ako. "Oo, meron."
"Eh ‘di i-text mo at itanong mo kung ano ang apelyido niya!"
"Saka na," sabi ko na lang. "Marami pa kong gagawin dito sa opisina at hindi importante ang apelyido niya. At least, kilala ko siya."
"Kahit na!" kontra ni Kacey. "Paano natin siya mai-stalk kung hindi mo alam ang apelyido niya?"
I narrowed my eyes at them. "Ano ba’ng stalk ang pinagsasasabi ninyo? Wala akong balak maging stalker, okay?"
"Sands, kikilalanin na nga namin siya para sa 'yo eh," Nikki tried to persuade me. "Para wala ka ng p-problemahin pa."
"Oo nga naman, Sandra," pagsang-ayon ni Mae. "I mean, suportado ka namin dahil ngayon ka pa lang naming narinig na nagbigay ng compliment sa isang lalaki."
Huminga ako ng malalim saka tumayo at lumingon sa kanilang tatlo. "Look, wala akong balak na magstalk or anything. And sinabi ko lang kung ano ang tingin ko sa kanya." Binitbit ko na ang mga folder kasama ang flashdrive ko. "Kaya kung pwede lang, tsaka na natin siya pag-usapan. Trabaho muna, okay?" pangaral ko sa kanila bago tumungo sa opisina ni Sean upang maibigay ang mga papeles na kailangan niya.
Pagkarating ko sa labas ng office niya ay bumungad sa akin ang kanyang secretary.
"Oh, Sandra," his secretary said my name when she saw me.
Ngumiti ako. "Nandyan ba si Sir Sarmiento sa loob?"
"Oo. Kakausapin mo ba?"
Tumango ako. "Oo eh," sagot ko at ipinakita ang mga folders at envelopes na pinabasa niya sa akin. "Kailangan kong ibigay sa kanya 'to. Baka kailanganin niya ngayon."
"Oh sige, wait lang," sabi niya at pinindot niya ang intercom. "Sir, may ibibigay lang pong mga files. Pwede po bang pumasok?"
"Okay.”
Pinatay niya rin agad ang intercom bago lumingon sa’kin. "Pasok ka na sa loob."
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagpasalamat na rin ako bago nagpasyang pumasok na sa loob ng office ni Sean.
He was seriously staring at the laptop in front of him while his fingers were playing with his cherry lips. That was one of Sean's habits whenever he was too serious and focused while working.
"S-Sir," nauutal kong sambit nang hindi niya pa rin napapansin ang presensya ko kahit na ilang segundo na akong nakatayo.
Tamad naman niya akong nilingon. "What?"
Lumapit naman ako sa kanyang table at maingat na inilapag ang mga folders at envelopes sa bandang gilid nito.
"Nabasa at naaral ko na ‘yong mga proposals, tapos nandito naman ang mga insights ko tungkol sa lahat ng 'yan," I added and also put the flash drive beside the pile of papers.
Pagkatingin niya sa mga inilapag ko ay bumalik ang tingin niya sa kanyang laptop. "Okay. You may now go."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi man lang ba siya magt-thank you? Pinagpuyatan ko kaya 'yang mga 'yan.
"May kailangan ka pa ba?" malamig na tanong niya sa akin nang mapansing hindi pa ako umaalis.
Umiling na lang ako at pinilit na ngumiti. "No, sir," agap ko. "I'll leave now."
Tinalikuran ko na siya at sakto namang tumunog ang kanyang cellphone. Dumiretso lang ako sa paglalakad paalis.
"Hello, babe?" Dinig kong sabi niya bago ako makalabas ng tuluyan sa kanyang opisina at bumalik na sa table ko.
Pagkabalik ko sa table ay nakita kong seryoso na silang tatlo sa pagt-trabaho. Napatitig naman ako sa aking computer at nakaramdam ng antok. The next thing I knew, someone was disturbing me from my peaceful sleep.
"Sands..." I heard Nikki's voice trying to wake me up. "Sandra. Gumising ka naman oh."
Unti-unti naman akong dumilat at nakita ko ang takot na takot na mga mata ni Nikki na nakatitig sakin. Nginuso niya naman ang kung sino ang nasa aking likuran.
My eyes widened at napabalikwas pa ako ng tayo nang makita kong bumungad sa akin si Sean. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang paghahalo ng alab at yelo. Hindi ko alam kung matutunaw ba sa init o maninigas sa lamig ng titig niya.
"S-Sir!" nauutal at nabigla kong sabi.
Sean gritted his teeth and crossed his arms as he looked at me intensely. "I believe that you're inside the office and that it's also working hours."
Since we were in the executive department, we were almost directly supervised by him. Hindi nga lang siya palabisita sa opisina namin. Kung kailan nga namang nakatulog ako sa gitna ng trabaho ay saka pa talaga siya sumaktong bumisita.
"Y-Yes, Sir," nag-aalangan kong sabi.
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot manahimik na lang saka makinig sa kanyang pagalit.
"And I also believe that I don't allow my employees to sleep during office hours," sunod niyang sabi.
Tinukod niya ang kanyang kamay sa aking table habang ang isa naman ay pinipirmi ang upuan ko paharap sa kanya.
Napayuko ako. "S-Sorry, Sir..."
"Sorry?" pag-uulit niya at may bahid nang pangungutya. "Sana naman at may valid reason ka kung bakit ka nakatulog sa oras ng trabaho, Miss Talavera."
Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko nang tawagin niya akong Miss Talavera. Siguro ay dahil gusto kong marinig na tinatawag niya ako gamit ang apelyido niya. I am a Sarmiento!
"M-Mag-aalas kwatro na rin po ako nakatulog kanina, Sir. M-May tinapos lang pong trabaho," pagdadahilan ko at alam kong alam niya sa sarili niya ang totoo.
He averted his eyes away from me and took a deep breath before returning his gaze to me. "Well, this is your first and last, Miss Talavera. I won't be tolerating you if this happens again." May ibinagsak siyang dalawang folder na katulad ng ibinigay niya kahapon. "I want you to encode all of this as a punishment. I need it before dismissal."
Tumango naman ko. "Yes, Sir.”
I have no choice.
Pagkaalis na pagkaalis niya ay agad akong umupo at tinitigan ang mga folder sa harap ko. Another batch to finish, huh?
Binuklat naman ito ni Nikki. "Gosh, Sandra! I-eencode mo 'tong lahat at before dismissal mo kailangang ibigay?"
"Iyon ang sabi niya eh," sabi ko na lang at sinimulan nang buklatin ang pang-unang folder.
"Siguro kung ako ang gagawa nito, baka bukas pa ko matapos," sabi niya na para bang siya pa ang masisiraan ng ulo para sa akin.
"Oo nga, Sandra," pagsang-ayon naman ni Kacey.
"Gusto mo bang tulungan ka namin?" tanong ni Mae.
Umiling ako. "Huwag na. Kaya ko 'to. Saka may trabaho din kayo at baka pagalitan kayo ni Sir."
"Oh sige," sabi na lang ni Nikki. "Basta kung ‘di mo na carry, sabihin mo lang sa amin, okay?"
Tumango ako at ngumiti. "Sige lang," sabi ko at nagsimula ng mag-encode.
Dalawang oras na ang lumipas at inaya ako nila Nikki na magtanghalian na. It's lunch time already. "Lunch na, Sands. Kain na tayo."
Umiling ako. "Kailangan ko 'tong tapusin ngayon. Wala pa ako sa kalahati nitong unang folder oh," sabi ko at pinakita kung pang-ilang papel palang ako.
"Ibibili ka na lang namin ng makakain,” sabi niya. “Ano bang gusto mo?"
"Huwag na," sagot ko. "Kayo na lang. Huwag ninyo na akong alalahanin."
"Sure ka ah?" paninigurado niya.
"Oo." Ngumiti ako. "Sige na. Mag-eencode pa ko," sabi ko na lang bago ibinalik na ang tingin sa computer.
Habang nag-eencode ay nakaramdam naman ako nang pagkalam ng sikmura ko. Tiningnan ko ang orasan at isang oras na ang nakakalipas pagkatapos ng lunch break. Hindi na ko maaaring lumabas para kumain kahit tinapay man lang. Saka ko lang naisip na hindi rin pala ako nakakain ng dinner kagabi dahil sa pinagawa sakin ni Sean at nakadalawang subo lang ako kaninang umaga. Dapat pala ay kumain na lang ako kahit kakaunti kanina. Ang tanga-tanga ko talaga.
Tinignan ko rin ang mga folder at kakatapos ko palang sa unang folder. Meron pang isa. Four hours kong inencode ang unang folder at paniguradong four hours din ang pag-eencode na gagawin ko sa pangalawa. Saktong alas-sais ang tapos ko. Saktong-sakto sa uwian namin.
I isolated myself for four hours, para mabilis akong matapos. Nag-earphones pa ako para hindi ko marinig ang mga kwentuhan nila Nikki.
Nilibot ko ang tingin ko sa opisina at nakita kong naglilipit na sila ng mga gamit nila.
"Sands, tapos ka na?" tanong sa akin Nikki.
Tumango ako at ngumiti. "Oo, tapos na ako."
"Kumain ka na kaya. Kami na lang ang mag-aabot niyan kay, Sir,” she volunteered. "Namumutla ka na oh."
Umiling ako habang isina-save sa flash drive ang files. "Ako na. Ibibigay ko na lang naman eh.”
"Sandra, hindi na uso ang Hunger Games, okay? Kaya huwag kang pamatay gutom diyan. Kumain ka na," pagsabat ni Mae na ngayon ay nakasukbit na ang bag.
"Ibibigay ko lang." Pagkatayo ko ay medyo nakaramdam ako ng konting hilo ngunit nawala nang makita kong palakad patungo dito si Sean.
"S-Sir, tapos na po," sabi ko sabay abot ng flashdrive nang madaan siya sa gawi ko.
Tinignan lang nito ang hawak kong flash drive. "Keep it. Save it for tomorrow," simple niyang sabi at dire-diretso sa paglalakad, leaving my hand hanging on the air.
Agad naman akong umupo sa aking upuan at inilagay na lang sa bag ko ang flash drive.
"Eh gago pala 'yang si Sir eh!" Hindi na napigilan ni Nikki ang pagsigaw. Napalingon pa sa kanya ang ibang mga ka-officemates namin.
"Nikki!" singhal ni Kacey. "Baka may makarinig sa 'yo."
"Wala akong pakialam kung marinig nila ako," gigil na sabi ni Nikki. "Eh hindi na nga nakakain si Sandra nang dahil sa pina-encode niyang may deadline pang nalalaman until dismissal tapos bigla niyang sasabihin na ibigay na lang sa kanya bukas?" inis niya sabii. "I can't believe it. I really can't believe it. Nakakainis siya. Nakakainis ang ugali niya. Ang sarap magresign!"
Nang maayos ko ang gamit ko, sinukbit ko na ang bag ko't tumayo na sa kinauupuan ko.
"U-Una na ko," sabi ko na lang at akmang aalis na nang pigilan ako ni Nikki.
Tumayo din si Nikki. "Sasabay na ko sa 'yo. May hinihintay pa ata 'tong dalawa," tukoy niya kina Mae at Kacey.
Tumango na lang ako. "Okay..."
Habang nasa elevator ay hindi ko maiwasan ang paghawak sa ulo ko nang dahil sa sobrang hilong nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y hinahati ang ulo ko sa dalawang piraso.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nikki nang mapansin ang paghawak ko sa aking ulo.
Tumango naman ako. "O-Okay lang ako," sabi ko at naglakad na kami sa lobby.
I took another step but I ended up falling, no one caught me.
"Sandra!" I heard Nikki shout then everything else faded into black.