Home
"Let's party!" agad na pagsigaw ni Nikki nang makapasok na kami sa loob ng bar.
Napatakip naman ako sa tenga sa sobrang lakas ng tunog. Does it have to be really this loud?
"God, Sandra! Have fun!" sabi sa akin ni Nikki at tinapik ako sa aking balikat.
Umiling naman ako at nagreklamo. "It's too loud!"
I've been to a bar before pero hindi katulad ng sound system dito ang sound system sa napuntahan ko ngayon.
"It's fine! You'll get used to it after some time," sabi naman niya sa akin.
Hindi na ako nakasagot pabalik dahil kinausap na siya ng isang crew dito sa bar.
Hinayaan ko lang siyang makipag-usap habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng bar. It's very spacious. The party was already at its peak.
Napukaw ng tingin ko ang mga nagsasayaw sa dance floor. I can see couples or even a pair of strangers grinding and dry humping against each other. Alam kong uso ang ganyan sa mga bar, pero kapag naiisip kong ganyan din si Sean sa kanyang mga babae ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkaawa sa sarili ko. I feel so disrespected.
"Umupo na tayo doon sa may couch na pinareserve ko. Come on!" pag-aya ni Nikki sa amin nang matapos silang mag-usap ng crew.
Tinanguan ni Nikki ang crew at agad na itong nagsimulang maglakad. Sinundan lang namin siya patungo sa mga tables at couches na nakapaligid sa may dance floor.
Huminto kami sa spot kung saan nasa gitnang gilid ng dance floor. "This is your place, Ma'am," sabi ng crew kay Nikki.
"Thanks," nakangiting pasasalamat ni Nikki at kumuha ng one hundred pesos para ibigay na tip sa lalaki.
I think I already got used to the booming sound system. Hindi ko na masyadong iniinda ang napakalakas na tunog katulad ng sa kanina noong pagpasok namin.
"Still not comfortable, Sandra?" tanong sa akin ni Mae, isa pang ka-officemate namin ni Nikki.
Umiling ako at ngumiti. "Medyo ayos na."
"You can chill muna doon sa bar, Sandra," sabi naman ni Kacey. "Medyo may pagkawild ang mga tao dito dahil nasa gilid lang ng dance floor."
I smiled and nodded. "Mayamaya siguro. Dito muna ako kasama niyo."
Bigla namang tumayo sina Nikki at Briana. "Sasayaw lang kami ni Bri. Sunod na lang kayo ah!" Hindi na nakapaghintay si Nikki at agad nang hinila si Briana patungo sa dance floor.
Ang alam ko'y madadalas sila Briana, Kacey at Mae na magbar. Si Nikki naman ay hindi ganoon kadalas dahil hindi ko naman hilig ang pumunta sa ganito. Wala siyang makakasamang gumimik.
Kacey took the glass shot from the table. Napangiwi siya nang sinipsip ang lemon bago ininom ang tequila at kumuha rin ng asin na kanyang dinilaan mula sa kanyang palad.
Si Mae naman ay kinuha ang cocktail drink. I don't know what alcohol is that ngunit parang wala lang sa kanya kung inumin niya ito.
"Sunod na kami kila Nikki sa dance floor, Sandra," paalam ni Kacey nang tumayo na silang dalawa ni Mae. "Ayos ka lang bang mag-isa dito? Sumama ka na kaya doon sa dance floor."
Agad naman akong umiling at ngumiti. "Huwag na," pagtanggi ko. "Ayos lang ako dito or baka pumunta na lang ako doon sa may bar."
They nodded and told me that they were going to check on me from time to time before they headed out onto the dance floor.
"Drinks, Ma'am?"
The waiter who passed by our table offered me a drink from the tray that he was holding.
"No thanks," simpleng pagtanggi ko at ngumiti sa kanya.
He just nodded at me and moved on to the next tables.
I was craving for rice or any food that could fill up my stomach. Akala ko pa naman ay sa buffet kami kakain for Nikki's birthday celebration kaya hindi pa ako masyadong kumain ng lunch at meryenda kanina.
Napagdesisyunan kong tumayo nalang at dumiretso sa may bar para maghanap ng ibang maiinom na walang halong alcohol.
Nang dumating ako doon ay mabilis akong dinaluhan ng bartender na nandoon.
"Do you have any juice or any drink without alcohol?" tanong ko sa bartender habang tinitingnan ang mga naka-display na alcohol sa may rack.
"There's a restaurant lounge upstairs, Ma'am. We have foods, as well as drinks that are not alcoholic," he answered me with a pleasing smile.
I bid the bartender a thanks before I went upstairs. Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa pangalawang palapag ay agad akong nakaramdam ng kakaibang atmosphere. It's so soothing than the rough atmosphere they have downstairs.
Dumiretso ako sa may counter at tiningala ang menu sa itaas upang makahanap ng i-oorder na pagkain.
I was craving for rice earlier or any heavy meal but when I saw the carbonara on the menu, my craving suddenly shifted.
"Orange juice and carbonara," pag-order ko.
"Wait a minute, Ma'am."
Tumango na lamang ako bago inikot ang tingin sa buong lounge. Majority of the diners are couples. Nakakahiya naman kung makikihalubilo pa ako sa kanila at tahimik na maipagsigawang loner ako.
Kinuha ko ang cellphone ko. I decided to text Manang to ask her if Sean was already home when a guy suddenly dictated his number.
"Did you get it?" he asked me when I turned to look at him.
"I don't even know what you're talking about," sabi ko sabay irap sa kaniya at ibinalik ang aking tingin sa harap ng aking cellphone.
Ano nga ba ang gagawin ko dapat?
Umupo ito sa tabi ko. "Sorry, did I bother you?" he suddenly apologized.
"Well, what do you think?" masungit kong tanong sa kanya.
"Uh…” He grinned, teasing me. “Not really."
"You think so?" tamad ko siyang tinignan at itinaas ang aking kilay.
"Uhuh," he said as he nodded and drank the liquor he was holding.
"Well, you're wrong, so please... I don't wanna be bothered," I stated the obvious as I averted my eyes away from him.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa aking cellphone. Nawala na talaga ng tuluyan sa isipan ko ang dapat kong gagawin. Sino nga ba ang itetext ko?
I heard him suddenly chuckled kaya muli na naman akong napatingin sa kanya.
"I don't even know what's funny."
"You don't like it here, right?" he asked like he's pretty sure that I don't.
Napakunot naman ang aking noo. "What do you mean?"
"Being in bars or clubs is not your thing," he concluded.
I sighed. "Yes... You're right. It's not my thing."
"Then... May I ask why are you here?" nanantiya niyang pagtanong. "Brokenhearted? Moving on?"
"It's my friend's birthday," I simply said. "I'm not broken-hearted nor moving on..." At sanay nang masaktan ang puso ko. I'm kinda immune to the pain now.
"If it's your friend's birthday, then why are you here alone?" he asked curiously.
"They're partying downstairs with the others. Ayoko naman doon kaya dito nalang ako." sabi ko.
Bigla namang dumating ang ni-order ko't nakangiting nagpasalamat ako sa waiter.
"Me too." the guy beside me suddenly said when I'm about to start eating.
Napalingon ako sa kanya. "Ha?"
"Bars are not my thing,” he said. “It's just that my brother is celebrating too kaya kasama ako dito."
"Why don't you like it here?"
"Uhm... Because of noise?" hindi niya pa siguradong sagot. "It's too noisy. Plus, I hate seeing people flirting in public. It's just too overrated."
Hindi ko naman napigilan na ang pagngiti. "Finally, I found someone who understands me," I voiced out my thoughts.
Ngumiti rin siya sa akin pabalik. "If you want, we can walk outside after you eat. It's more serene outside the club."
I raised my eyebrows at him. If this is some kind of way or tactic to get me into a one night stand then I'll be doomed and damned. I need to think cleverly before I make any decisions.
"I can see that you're having second thoughts." Natawa siya. "I'm not a bad guy."
Napanguso naman ako't muling napag-isip. Maybe I should try to socialize more.
"Hmm... Sige," sabi ko matapos ang matagal na pag-iisip.
Pagkatapos kong kumain ay agad kaming lumabas. Tinext ko na lang si Nikki na lumabas lang ako dahil masyadong maingay.
"What's your name by the way?" bigla niyang tanong nang naglalakad-lakad kami sa labas. "Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam kung ano ang pangalan mo."
"I'm Cassandra Sa-Talavera—Cassandra Talavera," sabi ko at parang gusto kong tampalin ang bibig ko.
Muntik ko nang masabing Sarmiento!
Napatawa naman siya. "Is that really your name? Mukhang hindi ka pa ata sigurado."
Umiling ako. "May ID akong dala. You can look at it if you think that I'm lying."
Ang dati ko pa kasing apelyido ang nakalagay sa office ID ko. Mahirap na at baka mabuko pa ng mga ka-officemate ko. Tiyak naman na gagawan nila ‘yon ng issue dahil pareho kami ng apelyido ni Sean.
"May I?" nakangisi niyang tanong na para bang hindi pa rin naniniwala sa sinabi ko. He wants proof, huh?
Binuksan ko ang aking shoulder bag at kinapa ang ID ko dito. Binigay ko naman sa kaniya agad nang makita ko ito at mabilis niyang sinuri ang ID ko.
"Cassandra Phiel S. Talavera," he read my maiden name out loud. "So, ‘yong 'Sa' ba na dapat mong sasabihin kanina ay ang middle name mo?" kuryoso niyang tanong sa akin.
Oo nga pala! Santiago nga pala ang middle ko. Saktong-sakto sa nadulas kong 'Sa' kanina.
Agad naman akong tumango. "Oo. Santiago. Balak ko sanang magpakilala in full name pero naisip kong huwag na lang."
"You're working for Sarto Corporation?" tanong niya sa akin. "Sa airlines ka ba naka-base? May airlines rin ang Sarto, if I'm not mistaken, right?"
"Uhm, I'm not working for the airlines. Sa may mismong company ako for our commercial products," paglilinaw ko.
"Oh. I thought that you're a stewardess," natatawang sabi niya.
I shook my head. "Hindi. Office girl lang ako."
"Oh... That's why your outfit makes sense."
I pictured myself inside my brain with the outfit that I wore earlier. Naka-leggings, white racer back top with black coat and a three-inches black high heels.
"Anyway, gusto mong ihatid na kita? It's already 11PM,” pagpi-prisinta niya. "That's if you don't have a car..."
"Huwag na nakakahiya. Nandyan pa ang mga kaibigan mo at kapatid mo. I'm fine,” pagtanggi ko sa kanya. “Hihintayin ko na lang mga kaibigan ko. Sabay-sabay naman kaming magco-commute na lang."
"It's fine, Cassandra," he said at medyo napangiwi pa ako sa pagbabanggit niya ng buong pangalan ko. "I'll just text my brother. Saka baka dalawin ako ng konsensya kong hinayaan kitang uuwing magco-commute when I have a car to drive you home."
Natawa naman ako. "Are you really sure? Medyo malayo ang bahay namin dito sa bar. It's out Quezon City, sa Makati pa kami."
"Well then, mas lalo kitang ihahatid ngayong nalaman kong malayo ka pa pala dito," sabi niya. "So... What do you think?" He smiled and played with his key fob.
"Hmm... Sige na nga," pagpayag ko.
I trust him. I know that he's not a bad guy. Nakikita ko 'yon sa mga mata niyang madaling mabasa.
"Great!" masaya niyang sabi at hinawakan ako sa aking pulsuhan.
Hinatak niya ako patungo sa kanyang sasakyan. He immediately pressed his key fob when we got there and he was gentleman enough to open the door for me before he went inside the driver's seat.
"Subdivision?" tanong niya habang nagmamaneho.
Tumango ako. "Yup. Highfields Subdivision."
"Wow! Rich kid," natatawang sabi niya. "That's an elite subdivision. Parang nagdadalawang isip tuloy ako kung isa ka ba talagang office girl."
"Napakita ko na nga ang ID ko, nagdududa ka pa rin," sabi ko na lang.
"Well, I can't help it." He shrugged his shoulders while grinning. "Mataas bang magpasahod ang Sarto?"
"Twenty-five thousand a month,” I answered. “Just enough for me to live a contented life."
"Not bad though.” He nodded. “But still... that wage can't afford a hundred million house in that subdivision no matter how hard I calculate. You have to work at least a hundred years before your salary can buy a house there."
"Hundred millions? Are you really sure that it cost that much?" sinubukan ko siyang iwala sa katotohanan.
"Of course," he confidently said.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Paano ka naman nakakasigurado?"
"Uh... My family owns that subdivision," simpleng sabi niya na para bang walang kwentang impormasyon iyon.
My eyes widened in surprise, and I turned to him. "You own Highfields Subdivision?"
"My family, actually." Nagkibit-balikat sya. "Hindi pa sa akin 'yon. My father's not yet stepping down from his throne."
"Ganon na rin ‘yon. Sa'yo na rin ‘yon."
"Iba pa rin ang feeling kapag ikaw ang nagpapatakbo."
"Hindi ka na ba mapakaling manahin ang kompanya niyo?" natatawang tanong ko.
"Hmm. Maybe not, maybe yes," nalilitong sagot niya. "May part sakin na gusto ko pang magliwaliw at may part naman sakin na kailangan ko nang magseryoso. Pero ngayong nalaman kong sa Highfields ka pala nakatira, gusto ko na tuloy i-handle ang kompanya."
Natawa ako. "Bakit? Ipapademolish mo ang bahay ko?"
"Of course, not." Umiling siya bago ngumisi. "Pero pwede na rin. Pwede naman kitang patirahin sakin eh."
Napatanga naman ako sa kaniyang biglang sinabi. What the hell is he talking about? Is he hitting at me?
Tumawa siya nang sinilip ang aking ekspresyon. "Saan ba dito ang bahay niyo?" bigla niyang tanong ng makapasok na kami sa loob ng subdivision.
"Dire-diretso mo lang,” sagot ko. “Medyo nasa bungad lang ang bahay namin."
Tumango-tango siya at hindi nagtagal ay natanaw ko na ang bahay namin kaya naman agad ko ‘yong itinuro sa kanya.
"Dito na lang."
Ihininto niya ang sasakyan. I unbuckled my seatbelt and thanked him before I went out of the car. Lumingon ako ulit sa kanya para kumaway at muling magpasalamat kaya binaba niya ang bintana at sumilip.
"You're one hell of a rich office girl, Cassandra." he said when he saw the facade of our house.
I just awkwardly laughed to avoid the topic. "Salamat sa paghatid."
"You're welcome—and oh!" Kinuha niya ang wallet niya at naglabas ng calling card. "Here, take it. Let's keep in touch. Magpakilala ka pag nagtext ka ah?" nakangiti niyang sabi nang iniabot niya sa akin ang calling card niya.
Kinuha ko naman agad ang phone ko at tinipa ang kanyang numero sa aking cellphone.
"I will." Ngumiti siya at may pinindot sa kanyang cellphone. He was probably saving my number.
"Sige na. Ingat ka pag-uwi," nakangiti kong sabi sa kaniya at kumaway-kaway pa.
Ngumiti rin siya sa akin bago sinarado ang bintana. Hindi rin nagtagal ay pinaharurot niya na paalis ang sasakyan.
Agad naman akong pumasok sa bahay nang makaalis na siya ng tuluyan at naabutan kong naka-dim lang ang ilaw sa may living room. Sa tingin ko ay natutulog na si Manang.
Gaya nang nakagawian ko tuwing kakadating pa lang sa bahay, dumaan muna ako ng kusina para uminom ng tubig bago umakyat sa aming kwarto.
My eyes widened the moment I got inside our room. I stiffened, like someone who had been casted with a spell and turned into a statue. I couldn't even move until my knees turned jelly. Sa sobrang panlalambot ng tuhod ko, pakiramdam ko'y pupwede akong mabuwal kapag sinubukan kong humakbang paalis.
My husband was sleeping so soundly, topless beside a girl who was covered with a comforter, hugging my husband. I couldn't believe it... Kahit kailan ay hindi ko nayakap ang asawa ko sa pagtulog. Doon pa talaga siya nakapuwesto sa puwesto ko.
I thought that I was already immune to getting hurt but I still wasn’t. It was a different kind of pain. Sa lahat ng sakit na naramdaman ko, isa na 'to sa pinakamasakit na ayoko nang maramdaman ulit.
I knew that I had to accept that kind of situation. That was one of the consequences of being married to Sean pero hindi ko maiiwasan ang masaktan. Hinahayaan ko na siya sa mga babae niya but this time, I had enough.
Ang makitang harap-harapang ganito ang asawa ko at babae niya ay daig pa sa pagtama ng isang daan o mahigit pang punyal sa puso ko.
Tears formed inside my eyes. I bit my lower lip. I didn't last another second and immediately ran away from our room, going straight to Manang’s bedroom.
Nakailang katok din ako sa pintuan ng kwarto bago buksan ni Manang. "Oh hija, ngayon ka lang ba nakauwi?" pagod at inaantok niyang tanong sa akin.
Halatang nagising ko siya at naantala sa pagtulog.
"O-Opo," sagot ko, hindi pa rin mapakali sa nakita.
"Oh eh umakyat ka na at matulog. Nagugutom ka ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"Hindi po.” Umiling ako. “Wala lang po akong matulugan."
Napakunot ang kanyang noo. "Anong walang matulugan?"
"May ibang babae po kasing nakahiga sa higaan ko ngayon kaya po dito po muna ako. Ang sama ko naman po kung paghihiwalayin ko pa sila samantalang ang higpit ng pagkakayakap ng babaeng yun sa asawa," tuloy-tuloy kong sabi at hindi ko naiwasan ang pagiging sarkastiko.
Mabilis naman akong pinapasok ni Manang sa kanyang kwarto. Parang ulan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko nang makapasok ako sa loob na agad naman akong inalo ni Manang.
"Manang, ngayon lang po nangyari 'to..." Iyak ko. "Kaya ko po ‘yong nakikita kong umaalis ang mga babae niya dito eh. I can still take that. Pero yung makita ko mismo sila ng babae niya sa kama namin... Hindi ko kaya... Hindi ko po kaya. Ako po ang asawa niya. I should be the one beside him pero wala po akong magawa."
Hinagod-hagod ni Manang ang likod ko ng marahan upang mapatahan at napabuntong hininga nang madinig ang mabibigat kong paghikbi. "Dito ka na matulog sa kama ko. Magpahinga ka na," mahinahon niyang sabi sa akin.
Umiling maman ako. "Sa lapag na lang po ako. Sasakit po ang likod niyo dito. Diyan na lang po kayo sa kama niyo."
"Oh sige. Nandon sa kabinet ang ekstrang mattress ngunit manipis iyon saka yung ekstrang kumot," ani Manang. "Ito naman ang unan," dagdag niya saka iniabot sa akin ang kanyang sobrang unan.
"Salamat po," sabi ko habang nilalatag ang nakuhang kutson sa may kabinet.
"Matulog ka na,” marahan niyang sabi sa akin. “Hayaan mo't susubukan kong kausapin ang asawa mo."
Agad naman akong umiling. "Huwag niyo na pong kausapin si Sean. Magagalit po 'yon sa akin... Hayaan na lang po natin."
"Pero, Sandra, hindi na tama ang—"
"Manang, pakiusap po…” Muli akong umiling. “Huwag na po.”
Napabuntong hininga nalang siya't pumayag na sa aking kagustuhan na mangyari.
Mabuti na lang at medyo makapal din ang kutson na aking hinihigaan. Hindi ko masyadong nararamdaman ang matigas at malamig na lapag.
We have plenty of guest rooms in our house but I chose to sleep in Manang's room. Kailangan ko ngayon nang makakasama. I don't want to be alone. I need someone to hold on to.
Manang was all I had at that moment. I suddenly missed my father. I wanted to go back home.