Still "Kinakabahan ako, Manang," kabado kong sabi habang nakatingin sa salamin ng aking tukador. Huminga ako ng malalim at saka binaba ang brush na kakagamit ko lang. Lumapit naman si manang sa akin at ngumiti. "Hindi ka dapat kabahan, Sandra." sabi niya. "Dapat nga ay matuwa ka at ipapakilala ka na niya sa lahat bilang asawa niya." "Pero, Manang, para kasing ang daming magbabago kapag ipinakilala niya ko," sabi ko na lang. Hindi ko masabi kay Manang ang tunay na hinanaing ko kung bakit ako kinakabahan ng todo ngayon. "Talagang marami. Kikilalanin ka na bilang isang Sarmiento," she said. "Oh sige! Bumaba ka na at baka nandiyan na ang sundo mo." Nauna nang lumabas si Manang sa kwarto namin ni Sean para siguro tingnan kung nandyan na ang aking sundo. Ang sabi ni Sean ay huwag na daw a

