Thamara "ARE you happy?" tanong ni Zkat sa 'kin habang narito kami sa loob ng aming suite, gabing-gabi na ngunit hindi ako makatulog kaya nandito ako ngayon nakaupo sa sofa at heto siya, sinasamahan ako kahit panay na ang paghikab niya. "Happy saan?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Ngumiti siya at sinimsim ang kaniyang tinimplang kape upang panguntra sa kaniyang antok. "Happy sa 'kin." Natawa ako nang bahagya, parang timang naman 'to. "Tingin mo, mananatili ako sa 'yo kung hindi ako masaya?" "Masaya rin ako sa 'yo," nakangiting sabi niya. "Hindi ko maipaliwanag pero masaya ako sa 'yo." "I love you," seryuso kong bulong sa kaniya bago ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "I love you too," bigla akong napaayos ng upo at napalingon ako sa kaniya, hindi ko inaasahang sasabihin niya

