Thamara "ANONG plano mo ngayon?" narinig kong tanong ni Kuya Jason kay Zkat. Nandoon sila sa sala, heto ako sa sarili kong kwarto, palihim ko silang pinapakinggan. "Zkat, noon kinukunsinti ko ang pambababae mo kasi alam kong wala kang pinapaasa sa kanila, alam kong pure fun lang ang gusto niyo both sides." Napasandal ako sa pinto, buong likod ko ay nakalapat sa pinto habang nakaupo ako sa sahig. "But now... you have Thamara. Zkat, magkakaanak na kayo, nagawa mo pang kumabit sa iba?" "Hindi ko alam, Kuya," mababa ang boses na rinig kong sabi ni Zkat."Hindi ko naman inaasahang... mabubuntis ko si Aliya." "G*go!" singhal ni Kuya Jason. "Pinaputukan mo, malamang lulubo 'yon! Kahapon ka lang ba ipinanganak, Zkat?! Oh ngayon, anong gagawin mo?! Malilintikan ka kay Mommy at Daddy kapag nalam

