Thamara NGITING-NGITI ako habang nakasakay sa sasakyan pauwi ng condo. Magkahawak ang kamay namin ni Zkat habang nagmamaneho siya. "Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Zkat sa 'kin kaya agad ko siyang nilingon. "Oo," nakangiti kong sabi. "Nakatutuwa ang mga ninong ng pamangkin mo." Mahina siyang natawa at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy siya sa pagda-drive hanggang sa makauwi kami sa condo. "Would you mind sleeping in my room, Thamara?" tanong niya pagkapasok pa lang namin sa condo unit. Natahimik ako at natigilan sandali, hindi ko inaasahang babanggitin niya iyon. "Masikip kasi ang kama sa kwarto mo." "Palit tayo ng kwarto?" naguguluhang tanong ko, iyon ba ang ibig niyang sabihin. "Okay naman na ako sa kama ko—" "No, silly," mahina siyang natawa. "I mean, instead of using your room, sa k

