“D-dilaw? Nagsasabi po ba kayo ng totoo?” Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango ang Papa ni Brent. “Oo naman, hindi ako pwedeng magkamali.” Agad akong napalingon kay Klein. Nakangiti siya sa akin at hindi na nga niya napigilan ang sarili at mabilis akong niyakap. “I told you. Hindi tayo magkapatid.” Kumalas siya sa pagyakap and I can’t help but to cry, masaya akong malaman ang bagay na iyon but I’m disappointed at the same time, hindi ako makapaniwalang nagsinungaling sa akin si Papa. “Princeeeeess!” Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran kung saan nagsisitakbuhan sila Cade papunta sa direksyon namin. Naabutan na nila kami at masaya akong kumpleto na ulit kami. “Kuya.” Nakangiting banggit ko at nagtinginan lang sa akin ang lima na tila naguluhan. “Kuya Ethan.” Dagdag ko at

