“I told you to be aware of danger, right? I swore I would protect you pero mag-isip isip ka naman minsan.” Iyon ang bungad sa akin ni Klein ng magising ako. Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligod dahil ang pagkakaalam ko ay binantayan ako ni Cade noong matulog ako. “Umalis na siya, bakit mo siya pinatulog dito?” Tumaas ang kilay ko atsaka bumangon. “I was having a nightmare and he was there when I woke up, binantayan niya lang ako.” Paliwanag ko. Wait, why do I need to explain myself? It’s not like may ginawa kaming kalokohan ni Cade. And in the first place bakit ba siya nandito? “Wag ka nga basta-basta pumapasok sa kwarto ko.” Singhal ko nang tumayo ako. Hindi niya ako pinansin kaya naman dumiretso na ako sa banyo para maligo. Hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin ang napanaginip

