PITCHIE POV Yumuko ako at inangat ang ID ko para tingnan 'yon. Doon ko na-realized na hindi pala sa akin ang suot ko kun'di kay Eyin. May takip din ng sticker ang mukha niya tulad ng sa akin pero kita ang pangalan. At saktong-sakto ang paglapit ng tatlong lalaki sa akin kaya nakita rin nilang pinagmamasdan ko 'yon. Lagot. "Eyin, masyado mo kaming pinahirapan. Halika na, sumama ka sa 'min," sabi ng isang lalaki sabay hawak sa wrist ko. Ngunit mabalis kong natabig ang kamay niya at saka ako biglang tumakbo palayo. "Sundan n'yo!" sigaw ng isang lalaki at tumakbo rin sila para sundan ako. Mabilis akong nakalayo kaya malayo ang naging pagitan namin. Isa pa, hindi sila masyadong makatakbo dahil malalaki ang mga katawan nila at mabilis hingalin. May natanaw akong convenience store at nais

