HONEY'S POV Hawak ko ang picture frame at hindi ko magawang alisin ang tingin ko roon. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Mia ang isa rito. Lumingon ako kay Harris na ngayon ay nakatingin din sa akin at bakas ang pagtataka sa mukha nito. Sunod ay bumaba ang tingin niya sa picture frame na hawak ko. Humakbang siya palapit at kinuha iyon sa akin upang tingnan. At ang reaksyon niya ay walang pinagkaiba sa reaksyon ko kanina noong unang beses kong makita si Mia sa larawan. Alam kong nagulat din ito. Nang mag-angat siya ng tingin ay sabay naming nilingon si Jenica. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Harris. "Who...who are you?" Halatang naguguluhan si Jenica. Pinaglipat-lipat pa niya ang tingin sa amin bago sumagot. "S-Si Jenica..." "Sabihin mo sa 'kin kung sino ka." Iniharap ni Harris

