PITCHIE'S POV Nasa gym kami ni Eyin at nakaupo sa bleacher. Kinuwento niya sa akin ang nangyari sa pamilya niya na dahilan kung bakit siya namomroblema rin ngayon. Na- scammed kasi ang papa niya ng 5 million at kinailangan nilang umalis sa kanilang bahay upang magtago dahil hina-hunting daw ang papa niya ng mga kasama nito na nagtiwala sa negosyong pinasok nila. Ang dalawa niyang maliit na kapatid ay ipinaalaga muna nila sa kapatid ng mama niyang nasa probinsya. Habang ang mama at papa naman niya ay magkasamang nagtatago dahil pinagbabantaan daw ang buhay ng mga ito. Samantalang biktima lang din naman daw ang papa niya dahil hindi nito alam na maloloko sila nang gano'n. Kaya ngayon ay namomroblema si Eyin kung paano niya itutuloy ang pag-aaral niya at kung saan siya pupunta. Hindi na ra

