SANDRYNNE's POV Mahigpit ang hawak ni Harris sa kamay ko habang nakapikit. "Don't...go...hmm?" He almost whispered. At alam ko rin sa sarili ko na hindi ko siya kayang iwan kahit na gusto ko pang puntahan si Tristan. "Hindi ako aalis. Don't worry," I reassured at naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa kamay ko. “Sandali lang, ha? May tatawagan lang ako." Tumayo ako at bahagyang lumayo sa kaniya. Sa gawing bintana ako pumunta para matawagan agad si Honey. "Yes, Sandrynne?” she spoke first. "Puntahan mo si Tristan. Ngayon na. Hindi mamaya, hindi pamaya-maya. Ngayon na! ‘Wag ka na munang magtanong, basta pumunta ka na. He needs help. Kontakin mo rin ang parents n’ya, sabihin mo emergency, baka sakaling mas malapit sila kay Tris para mapuntahan din nila agad. Go now, then update me!”

