PITCHIE'S POV Pagdating ko sa bahay ay hinanap ko agad si Jenica. Galing ako kila Sandrynne kanina. Sumama ako kay Reb noong sinundo siya ng driver nila pagkatapos ng klase namin. Nagdahilan ako na gusto kong dalawin ang ate niya dahil nabalitaan kong naaksidente ito. Pero ang totoo, ay sumama lang ako para malaman kung totoo ang mga naiisip ko. FLASHBACK Pagdating namin sa kanila ay pinaupo ako ni Reb sa couch na nasa sala at tatawagin niya lamang daw si Sandrynne sa kwarto nito. Umakyat siya sa hagdan at naiwan akong mag-isa roon. Habang naghihintay ay nilibot ko ng aking paningin ang maluwang nilang sala. Nahagip ng mata ko ang malalaking family portrait at frame na naka-hang sa wall. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang solong picture ng isang bata na pamilyar sa akin. Tum

