PITCHIE SAN PEDRO Ang laki ng naging impact kay kuya ng video na in-upload niya. Ang dami niyang projects na nawala. Tinanggal na rin pati mga naglalakihan niyang billboards. Pati mga kilalang brands na dala niya ang pangalan, binitawan na rin siya. All of his albums na naka-display sa mga malls and other stores got pulled out. Walang iniwan kahit isa. Almost 5 million na rin ang nag-unfollow sa kaniya sa social media and still counting. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip niya at ginawa niya 'yon. Namomroblema tuloy ngayon si Jessie, pati ang company niya kung paano lulusutan ang issue. Kaninang umaga pa rin may mga reporter sa labas ng bahay niya. Tumawag din sa akin si Jessie kanina at sinabing marami rin nakaabang sa harap ng RedEnt company. "Bakit mo kasi ini-upload? Kuya na

