Sandrynne's POV Nakahiga ako sa kama at yakap ang isang unan. Nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin ang nangyari sa food court kanina. Ano kaya ang pinag-usapan ni Harris at Jenica? “Bakit gising ka pa?” Napalingon ako kay Reb nang bigla itong sumulpot sa kwarto ko. “Kasi hindi pa ako tulog,” pamimilosopo ko sa kaniya. Lumapit naman siya at umupo sa paanan ng kama ko. “Nabalitaan ko 'yung nangyari sa'yo kanina. Na tinisod ka raw." “Kung pagtatawanan mo lang ako at aasarin, umalis ka na lang." “Okay ka lang ba, ate?” Saglit akong natahimik sa naging tanong niya. Bakit parang bigla siyang naging concern sa akin? “Wow! Tinawag mo akong ate? Nilalagnat ka ba? Baka naman may c0vid ka?" Napabangon ako sabay harap sa kaniya. Madalas kasi ay Farrah lang ang tawag nito sa akin o 'di

