Malas It was a painful day for everyone. Napapansin ko, lahat ng mga estudyanteng naroon ay nagluluksa sa biglaang pagkamatay ni Ate Rici. Mabait kasi ito at hinahangaan ng lahat. Kahit ako... Kahit ilang buwan lamang kaming nagsama ay sobrang bigat na ng aking loob. "Ano ba kasing nangyari kay Bram at Rici, Trace? Anong sinasabi nilang may ibang babae si Bram?" Naguguluhang tanong ni Rinka sa akin nang mapadpad kami sa ibang parte ng eskwelahan. Nakaupo ako sa bench habang pinupunasan ang mga luha kong wala rin namang tigil sa pagpatak. Umiling ako. "H-Hindi ko alam kung totoo iyon eh wala namang s-sinasabi sa akin si Kuya Bram..." Tumataas baba ang aking balikat dahil sa mararahas kong pag-iyak. Hinimas ni Rose ang aking likuran para patahanin ako habang ang kamay naman ni Cecille

