MARGARETH POV
NASA loob kami ngayon ng sasakyan na walang imik. Seryoso siyang nagmamaneho. Hindi rin naman nakaligtas sa akin ang panaka-nakang sulyap niya sa front mirror.
Nasigawan ko s’ya kanina dahil sa bigla n’yang pag sibat sa sasakyan. Hindi naman sumagot ang herodes!
Ayaw ko naman na ako ang unang magsalita noh! Excuse me! Isa pa wala naman akong sasabihin sa kanya dahil na ha-high blood talaga ako! Nilabas ko ang folder na dala-dala ko at habang nasa byahe ako ay kailangan kong pag-aralan.
Nakita ko ang isang papeles, na matagal ko nang pinirmahan ngunit hindi ko malaman ang dahilan kung bakit na delay sa delivery! Kaya ko pina handa kay Joy ang lahat ng papeles baka nagkamali lang ako kaya nagka aberya.
“Excuse me, pwede ba hinay-hinay sa pag drive! Hindi tayo nakikipag habulan kay kamatayan! Kung gusto mo magpakamatay mag-isa ka! “ sigaw ko sa kanya dahil kanina ko pang napapansin na para siyang nagpapalipad ng eroplano! Bwisit talaga siya!
“Pasensya kana ma’am. Akala ko kasi nagmamadali ka, “ Aba! Sumagot naman pa ang herodes! Sagutin ko sana siya ng bigla siyang nagpreno at napa subsob ako sa likod ng upuan ng seat niya! Kaya naman kumulo mas lalo ang dugo ko!
“Bwisit ka! Diba sabi ko wag kang magmadali! Hindi nga ako mamatay sa bala, papatayin mo naman ako sa nerbyos! “ sigaw ko sa kanya! At ang herodes may gana pang sumagot!
“Nakakaramdam pala kayo ng nerbyos Ma’am? “ sagot sa akin na parang wala lang ang sinabi niya! Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, at sinigawan!
“Get out of my car now! “ sigaw ko sa kanya ngunit para siyang walang narinig mula saakin! Dahil patuloy parin siya sa pagmamaneho!
“Are you deaf! I said! Stop the car and get out! “ sigaw ko ulit sa kanya! Pero ang herodes dedma parin! At lalo pa niyang pina bilis ang sasakyan! Napa kapit pa ako sa kotse! Hanggang sa dumating na kami sa kumpanya.
Masama ang tingin ko sa kanya ata agad-agad akong lumabas ng kotse! Iniwan ko na rin ang mga gamit ko sa loob bahala na siyang mg bit-bit at sumunod saakin!
Pagpasok ko sa kumpanya, isa-isa na silang nagsibatian saakin! Pero hindi ako sumagot sa kanila, dire-diretso lang akong pumasok sa aking office at nadatnan ko si Joy do’n.
“Oh, bakit ganyan ang itsura mo? Kagabi lang masaya kapa hah! What happened Marg’s? “ tanong sa akin. Oo, nga pala wala pa siyang kaalam-alam sa nangyari sa akin kagabi dahil muntik na naman pala akong nabaril!
Siya naman ang pag bukas ng pintuan mula sa labas ng aking office at pagpasok ni herodes! Mukhang nagulat pa si Joy dahil oo, nga naman bagong mukha ang nakita niya! At ang gaga kong kaibigan kumukutitap pa ang kanyang mga mata! Kaya naman siniko ko siya.
“Omg! Friend! Totoo ba ang nakikita ko! May gwapo dito sa office mo? “ tanong pa sa akin samantalang si herodes seryoso naman ang mukha na bitbit ang briefcase na naglalaman ng mga papeles.
“Tumahimik ka! Hindi yan gwapo! Pangit yan! May problema na ang mata mo! “ bulong ko sa kanya na alam ko naman narinig ako! Napakunot noo pa siya at napakusot sa mata!
“Excuse Ma’am, saan ko ilalagay ‘to? “ tanong ni herodes saakin! Tinaasan ko muna siya ng kilay bago ko sinagot! Palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Joy!
“Ilagay mo nalang d’yan sa ibabaw ng mesa ko! At pwede ka nang umalis! Tatawagan nalang kita kapag kailangan! O' baka naman gusto mong bantayan ako hanggat sa loob ng office ko? “
Nakakainsulto kong sagot sa kanya! Mukha naman hindi siya tinamaan sa sinabi ko dahil sinagot pa ako ng gago!
“Kung ok lang ho sa inyo Ma’am, na dito ako bakit hindi! “ sagot niya at napahagalpak pa ng tawa si Joy! Kaya sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko, at mabuti tumahimik siya agad.
“You out! “ turo ko sa magaling kong Personal Bodyguard! Habang si Joy nagtitimpi na gustong tumawa.
“ I said, get out! “ sigaw ko ulit sa bodyguard ko! At ang herodes lumabas na! Naiwan kami ni Joy sa loob ng aking office! Pagka labas ng bodyguard ko eto ang gaga tawa ng tawa!
“Anong nakakatawa? “ awat ko sa kanya! Ang bruha ayaw tumigil parang gusto ko siyang suntukin!
“Alam mo Margs, kakaiba ka ngayon! “ malayong sagot niya sa akin sa tanong ko! Napakunot noo pa ako sa sinabi niya.
“What do you mean by that? Anong kakaiba ngayon? May bago? “ masungit ko na sagot sa kanya! At ang gaga parang nag-iisip pa at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa katulad na lang kung timingin ang Yaya ko sa akin!
“Sus, parang alam ko na bess, naku nagdadalaga na ang aking kaibigan, “ nakangiti pa niyang bulalas na akala mo naman kinikilig ang gaga!
“Tigilan mo ako Joy! Anong pinagsasabi mo d’yan! Akin na ang mga papeles na kailangan ko dahil importante! Dali! “ utos ko pa sa kanya dahil wala naman kwenta ang pinagsasabi! May nalaman pa siyang nagdadalaga daw! Haller dalaga na ako matagal na!
“Ayan na po sa mesa niyo ma’am, kung may kailangan ka pa po, call me anytime! At interviewing ko muna si pogi hah! Ba bye! “ sagot pa saakin at ang gaga umalis nga! Napa-iling nalang ako sa sinabi ng kaibigan ko!
“Hi pogi! “ rinig ko pang bulalas niya bago sinara ang aking pintuan! Kahit kailan talaga si Joy!
Binuklat ko na ang mga papeles na kailangan ko, at babasahin ko na sana ng may narinig akong kalampag sa labas ng aking office! Baliwalain ko na sana ng patuloy sa ingay! Kaya naman tumayo na ako titignan ko dahil rinig ko pang napahiyaw si Joy!
“Do you know who I am? “ rinig kong sigaw ni Brandon mula sa labas kaya naman agad-agad kong binuksan ang pintuan ng aking office.
“Anong nangyayari dito? “ tanong ko sa kanila dahil may pasa na ang mukha si Brandon, habang si herodes ay nakahawak sa kulyohan ni Brandon ng nagngingitngit sa galit.
“ Ikaw ano na naman 'tong kaguluhan mo hah? “ sigaw ko sa bago kong bodyguard! At binitawan na niya si Brandon! Habang si Brandon Napaubo pa dahil sa mahigpit siguro na paghawak ng kulyohan ng bago kong bodyguard.
Pati mga staff sa kumpanya naki tsismis narin kaya naman si Joy ay pinalayas na ang mga staff na nakiki nood na sa nangyari.
“Tapos na ang palabas! Pwede na kayo mag sibalikan sa iyong trabaho mga kamarites! “ sigaw ni Joy sa mga empleyado namin, at bumalik ang lahat sa kani-kanilang cubicle.
Pumasok na rin kami sa loob ng aking office.
“Wala bang magsalita sa inyong dalawa hah? “ tanong ko ulit sa kanila! Pero ang dalawa wala talagang magsalita, napansin ko si Brandon at nagngingitngit ng galit dahil sa pag galaw ng panga niya! Pero bale wala naman saakin dahil puro naman kayabangan ang alam! Medyo natuwa pa ako ng makita ko ang pasa niya sa mukha! Pero hindi ako nag pahalata syempre!
“Pasensya kana Ma’am, ang sabi kasi ng Daddy mo, wag ko daw papasukin sa office mo kapag hindi ako komportable sa taong gustong pumasok! “ sagot ng bodyguard ko! Si Joy naman mukhang hindi inaasahan ang sagot ng PB ko, dahil natawa pa ang gaga!
“So, sinasabi mo na hindi ka kumportable saakin kaya hindi mo ako pina pasok asshole! Do you know who I am? Ako lang naman ang Vice President ng kumpanyang to! And who the hell are you! A personal bodyguard? Asshole! “ nakaka insulto naman na sagot ni Brandon ka Andrew.
Pero bago pa sila mag away ulit ay pumagitna na ako! Dahil kanina pa mainit ang ulo ko! Mukhang mali yata ang gusto ni Daddy na binigyan ako ng personal bodyguard. Dahil hindi nga ako mamatay sa bala, mamatay ako sa konsumisyon!
“Parang ganun na Sir! “ aba at sumagot nga ang herodes OMG! Kaya naman inawat ko na sila habang si Joy parang masaya pa siya sa nangyayari dahil nakangiti pa habang nanonood sa dalawa!
“Pwede ba! Tumigil nga kayong dalawa! You out! “ Turo ko kay Brandon! Mukhang hindi naman niya inaasahan ang ginawa ko dahil gumalaw na naman ang panga niya!
“Really Marga? Ako talaga ang palalayasin mo dito? Baka nakakalimutan mo, I am the VP here! “ sigaw niya sa akin ng nagngingitngit na sa galit, ngunit wala akong pakialam dahil mainit na rin ang ulo ko!
“Yes! I said out! Baka nakakalimutan mo Brandon ako ang anak ng may-ari ng kumpanyang to! At alam mo kung saan ka nababagay! I said out. “ sagot ko sa kanya. Wala akong pakialam sa gagawin niya o masaktan man!
Umalis naman siya na pinalakas pa ang sara ng pintuan! At sinamaan pa ng tingin ang lalaking kasama namin. Meron pa siyang sinabi ngunit hindi ko narinig!
Pagka labas ni Brandon! Pinalayas ko din ang personal bodyguard ko! Mukhang inaasahan naman niya ang gagawin ko! Dahil umalis naman agad! At naiwan kaming dalawa ni Joy sa loob!
“Wow hah! Grabe kanina Marge, ang galing makipag suntukan ang bodyguard mo! Walang binatbat ang kayabangan ni Brandon! “ tuwang-tuwa na bulalas ni Joy saakin kung sabagay nga napa nood niya ang buong nangyari!
Kunwari wala naman akong pakialam sa sinasabi ng kaibigan ko! Dahil naka focus ako sa computer! Pero nakikinig naman ako sa kanya!
“Alam mo ba, akala ko nga ma nock-out na kanina si Brandon eh, kaya lang lumabas kana! “ sabi pa saakin na akala mo nalugi pa sa nangyari! Kaya naman tinigil ko na ang ginagawa ko at hinarap siya.
“Bakit ano ba ang nangyari kasi? “ Curious kong tanong sa kanya! Ngumiti pa ang gaga kong kaibigan na may kahulugan na akala mo naman may kakaibang nangyari!
“Ehem! Ganito kasi yun Margs! Si Sir Brandon kasi nagpilit na pumasok sa office mo, tapos ito naman si Pogi kinapkapan si VP ayun nagalit si Vp kay pogi, at susuntikin sana siya kaya lang bess ang galing ni pogi dahil nakailag agad! “ tuwang-tuwa na bulalas ni Joy with action pa siyang nag kwe-kwento!
“Oh tapos, anong nangyari? “ medyo excited ko pang tanong sa kanya! Tuloy-tuloy siya sa mga kwento ang aking kaibigan! Tinignan pa ako bago ulit nagsalita!
Dahil ayaw paawat ni sir Brandon, ayun pak! Na suntok siya ni pogi! At alam mo ba dumugo agad ng ilong ni Sir Vp bess! “ Bulalas ni Joy saakin! Kaya pala may pasa si Brandon kanina.
“Sayang nga lang, umawat kana! Pero alam mo, ang hot ng bodyguard mo hah infairness Margs! “ parang kinikilig niyang bulalas kaya naman inutusan ko na siyang bumalik na sa kanyang mesa! Hindi ko rin maiiwasan kung bakit napangiti din ako sa nangyari! Totoo naman kasi may mayabang talaga si Brandon!
Tinigil ko muna ang aking ginagawa dahil nakaramdam ako ng gutom! Pagsulyap ko sa wristwatch ko ay mag-aaluna na pala! Kaya naman lalabas na sana ako ng aking office, nang sakto naman pumasok si Joy na may ngiti sa labi na may dala-dalang food? Nakakunot noo pa ako! Dahil hindi ko naman siya inutusan!
“Hi Ma’am, “ nakangiti pa niyang bati saakin, kakaiba siya hah! Hindi naman ako tinatawag na Ma’am nito eh! Ngayon lang! Pero hinayaan ko lang siya.
“Lunch ready Ma’am! “ ulit na naman niya sa akin! Napansin kong mamahalin ang box ng food! At malayo pa kung saan ang branch nito! Paano nangyari na naka order ang babaitang ito sa malayong lugar?
Mukha naman nabasa niya ata ang nasa isip ko dahil nakangiti pa siya saakin na akala mo may nakakamanghang nangyari! Ay oo nga pala! May nakaka high blood na nangyari kanina dahil sa suntukan!
“Kumain kana Ma’am, ehem! Pinabili lang naman ng PERSONAL BODYGUARD mong pogi ang pagkain mo, at ang sabi pa just give to Miss Bernardo and tell her, don’t stress herself and don’t forget to take her break and have lunch! Yan lang naman ang sabi saakin, ang sweet niya bess grabe kinikilig ako! “ bulalas niya sa akin, napatulala naman ako sa kanya! Ano daw siya ang bumili ng pagkain ko? Aba! Baka maubos ang pera niya sa kabibili ng pagkain!
“Joy, paki sabi thank you sa kanya! At sabihin mo sa kanya babayaran ko mamaya kung magkano to! Anyway kumain kanaba? “ tugon ko pa kay Joy, binalewala ko ang mahaba niyang litanya sa akin. Napakunot noo naman siya sa sinagot ko sa kanya!
“Ano kaba bess! Hindi kaya ma offend yung tao? Mukha naman afford niya yan! Isa pa sigurado kaba na personal bodyguard mo siya? Mukhang Yayamanin ang taong yun! Anyway tapos na ako! Nanlibre siya bess! “ tuwang-tuwa naman na sagot niya saakin! Pero ano daw nan libre si Herodes?
“Ok, pakisabi thank you! “ sagot ko naman dahil gutom na ako! Lalo pa at paborito ko na naman ang pagkain! Lumabas na rin si Joy at sinimulan ko na ang kumain! Napalunok pa ako ng binuksan ko ang laman ng box! And Yes my favourite pritong bangus with salad again! Omg naglaway pa ako! At wala na nga akong sinayang na oras pa, dahil kanina pa ako natatakam!