GABRIELLE'S POV
"Damn you, Hades!" Rinig ko ang malakas na mura ni senyora Olivia mula sa labas kung saan ako naghihintay.
Bawat mura nito ay parang gusto ko nalang umalis, pero importante ang ipinunta ko dito na kahit gabi na ay nagbabakasakali pa din ako.
"Sino ang babaeng yan, Hades!" Sigaw nitong muli na aabot ata ng ilang milya ang makakarinig.
Mukhang kaaway nanaman nito ang dati nyang asawa na si Gov. Hades. Siguradong may panibago nanaman itong babae. Iyon lang naman ang madalas na kinakainit ng ulo ng senyora eh.
"Fūck you, Hades! Walang hiya ka!" Galit na galit na ito.
"Gab, bukas ka nalang kaya pumunta? Mainit ang ulo ni senyora Olivia eh. Siguradong ikaw ang mapagbubuntungan ng galit nyan mamaya kapag kinausap mo." Lumapit sa akin si nanang Flor, ang pinakamatanda at pinakamatagal na nagsisilbi sa mga Perkins, kasamahan ng tita Betina ko na nagtatrabaho rito sa mansion ni senyora Olivia.
"Pero nanang, kailangan ko po kasing makausap si senyora. Kailangan kong makahiram ng pera pampahospital sa tita ko." Kaya kahit galit si senyora ay maglalakas loob pa din ako.
"Oh ito," Pasimple siyang nag-abot ng pera sa kamay ko. "Ipagpabukas mo nalang ang pagkausap kay senyora Olivia. Palipasin mo muna ang galit, alam mo naman pagpatungkol kay Gov ang kinainit ng ulo nya ay malabong makausap mo iyon ng maayos. Ikamusta mo ako sa tita Betina mo ha. Sabihin mo na magpagaling agad siya." Payo ni nanang Floor, at pagkatapos ay nagmamadaling umalis.
Limang libo ang inabot niya, pero hindi iyon sapat para sa laboratory at kung ano ano pang hinihingi ng doctor na sumuri sa tita Betina ko. Ang hinala nito ay may Coronary Artery Disease ang tita ko, o sa madaling salita ay bara sa isa sa mga ugat nito sa puso. Kung malala na ito at hindi na madadala ng gamutan at pagbabago ng lifestyle ay kailangan nitong operahan, at tinapat na ako ng doctor na aabot ng milyon ang operasyon at gamutan nito. Wala naman akong ibang malapitan kundi ang senyora para mahiraman ng pera, kahit pagsilbihan ko ito habang buhay ay papayag ako basta madugtungan lang ang buhay ng tita ko na siyang itinuturing kong ina at ama matapos akong iabandona ng mga magalulang ko. Sampung taon pa ako ng huli akong nagkaroon ng balita sa kanila, at ngayong twenty years old na ako ay wala akong kaideideya kung nasaan na sila kaya hindi ko sila mahingan ng tulong.
"Walang hiya ka! PUtang ina mo, I swear if you don't stop this nonsense now Hades, pagsisisihan mo to!" Napatingin ako sa loob ng muli nanamang sumigaw si senyora Olivia. "Hello? Hello? Don't you dare ignore me, Hades! Damn you, aaagghhhhhhhhhh!" Nasundan ng tunog ng mga nababasag na gamit ang sigaw na iyon ni senyora Olivia. Nagwawala na ito sa loob.
Sinunod ko nalang ang payo ni nanang Flor, kailangan ko talagang mapapayag si senyora na pahiramin ako ng pera at kung ngayon ko iyon gagawin ay ako ang tiyak na pagbubuntungan nito ng galit.
Bumalik ako sa hospital kung saan nakaconfine ang tita ko at nakahinga ako ng maluwag na nakatulog na ito ng datnan ko. Ayoko kasing malaman niya na bigo akong makausap ang senyora ngayon. Ayokong mag-alala ito at baka mas makasama sa kondisyon niya.
Pero mukhang hindi ako swerte ngayong gabi, inayos ko lang ang swero ni tita dahil napulupot sa railings ng hinihigaan niya ay nagising naman ito.
"Gabrielle, nakabalik ka na pala. Kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito. Ako pa talaga ang inaalala eh siya itong may sakit.
"Opo." Pabulong kong sagot para hindi makaistorbo sa kahati namin sa kwarto.
"Sigurado ka? Kapag dumating yung rasyon ng pagkain, iyo na at hindi naman ako nagugutom." Mukhang hindi ito naniniwala.
"Mas kailangan nyo po yun. Paano kayo lalakas kapag hindi kayo kumain? Isa pa kumain na po ako bago pumunta dito." Saad ko kahit ang totoo ay kumain lang ako ng dalawang pirasong isaw sa labas pantawid gutom. Ayokong mabawasan pa yung perang hawak ko.
"Oh sha, eh kamusta ang naging lakad mo?" Tanong ni tita.
"Hindi ko po nakausap si senyora eh, kaya babalik po ako dun bukas. Kausap nanaman kasi si Gov. Nag-aaway nanaman po ata sila." Pagkwento ko sa kung anong nadatnan ko doon sa mansion kanina.
"Talagang hindi mo makakausap yun kung si sir Hades ang dahilan ng galit nito." Bumuntong hininga ito.
"Tita," Alangan kong umpisa. "K-Kung gamitin nalang kaya natin iyong ipon mo para sa pag-aaral ko sa college?" Huminto kasi ako sa pag-aaral gawa ng nalaglag ako sa full scholarship program noong napalitan ang mayor sa lugar namin noong nakaraang taon. Hindi kayang tustusan ni tita ang tuition ko sa pinapasukan kong University kaya huminto muna ako, ayoko kasing mastress ito kakaisip kung saan kukuha ng 55k na pang-enrol kada semester, at para sa iba pang kailangan ko.
"Hindi pwede! Kaonti nalang at may tuition ka na pang-isang taon." Pagtutol kaagad nito.
"Lilipat nalang po ako ng ibang University, iyong mas mura o di kaya sa mga State University para libre." Saad ko.
"Pero dream school mo ang pinapasukan mong University, kaunting sakripisyo nalang naman eh." Sagot nito.
"Nagkasakit po kayo kakasakripisyo nyo para sa akin. Kaya ko naman pong isacrifice yung dream University ko para sa inyo eh. Kailangan natin ng pera pampaopera sayo tita sakali mang iyon ang irecommend ng doctor paglabas ng mga lab results mo." Nangingilid na ang mga luha ko, pero ayokong ipakita sa kanya na umiiyak ako dahil baka magdamdam ito at makasama pa sa puso niya.
"Singkwenta na ako, anak. Kahit papaano ay naenjoy ko na ang buhay ko. Sapat na iyon sa akin, pero ikaw bata ka pa, kapag nakapagtapos ka sa magandang unibersidad ay mas magkakaroon ka ng magandang trabaho. Kapag inoperahan pa ako, gastos lang yun kaya hayaan mo na. Kung sakali mang kunin na ako ng Diyos ay,"
"Tita naman eh!" Agad kong putol sa pagsasalita niya. "Hindi po mangyayari yun, magiging okay po kayo. Gagawan ko ng paraan! Kahit magpaalipin ako habang buhay basta mapagamot lang kita." Parang rumaragasang ilog na tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi pwedeng mawala ang tita Betina ko. Siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko at hindi ko kaya na mawala siya.
"Wag kang umiyak at makakaistorbo tayo sa kasama natin dito sa kwarto." Saway ni tita. "Oh sha ganito nalang," Hinawakan niya ang kamay ko at hinahaplos para pakalmahin ako. "Ang sabi ng doktor ay dahil din sa kinakain kaya nagkaroon ng bara ang ugat ko sa puso. Alam mo naman sa mansion nila senyora, hindi sila madamot sa pagkain, kaya kung ano-anong pagkain ang nakakain ko. Nakakalimutan kong tumatanda na ako at dapat mag-ingat. Kaya naman babantayan ko na ang kakainin ko. Maggugulay nalang ako. Ayos ba?" Pag-aalo nito sa akin.
Totoong hindi madamot ang senyora sa pagkain. At dahil stay-out si tita ay lagi niya akong nadadalhan ng masasarap na ulam.
Tumango nalang ako bilang sagot dahil ayokong pati ito ay umiyak din. Pinagbabawal kasi ng doktor ang ano mang mabigat na emosyon kay tita.
Hindi ko na rin ito kinulit patungkol sa ipon niya para sa pag-aaral ko dahil mukhang wala siyang balak na gamitin iyon para sa pagpapagamot niya.
Nagdasal nalang ako na sana ay hindi malala ang kondisyon ni tita, pero iba ang sinabi ng doktor ng basahin nito ang resulta Echocardiogram kinabukasan. Kailangan talaga nitong maoperahan sa lalong madaling panahon, or else ay nanganganib ito sa heart attack at iba pang komplikasyon. Kahit pumayag pa si tita na gamitin ang ipon niya para sa pag-aaral ko ay hindi pa din iyon sapat.
Kaya naman matapos marinig ang mga sinabing iyon ng doktor ay nagpunta agad ako sa mansion. Alam kong imposibleng pautangin ako ng milyon ni senyora pero wala na talaga akong ibang malapitan pa.
"Gabrielle, manang Betina served us for a long time, and as much as I want to help her, paano mo naman babayaran ang 2.5million ha?" Sa wakas ay nakausap ko na ito.
"Senyora, magtatrabaho po ako sa inyo." Sagot ko.
"Do you think that's enough? Hindi ako namumulot ng pera." Mukhang malabo itong pumayag.
"Kahit ano po gagawin ko senyora, anything you want me to do, kaya po sana—" Nahinto ako sa pagsasalita ng bigla nalang tumunog ang cellphone ni senyora Olivia.
"Hold on." Sagot nya sa akin bago sinagot ang tawag. "Papa Carlos good morning, napatawag po kayo?" Masayang bati niya sa kausap.
Carlos? Si Senator Carlos Ledesma?
"What?" Bulalas ni senyora Olivia at nagsalubong ang mga kilay nito. "No, hindi siya pwedeng pumunta ulit sa cruise na yan! Papa pigilan nyo po si Hades!" Napatayo ito at mabigat na naglakad palayo.
Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ang pagkainis sa boses ni senyora. Bakit sa dami naman ng oras na pwedeng tumawag si Senator Carlos ay ngayon pa? Paano ko pa makukumbinsi ngayon ang amo ni tita Betina kung galit nanaman ito.
"My god, I can't believe this!" Nakabalik na ito at umupong muli sa sofa. Ihinagis niya ang cellphone niya sa mesa at napahilot ng sentido. "Inuubos mo talaga ang pasensya ko, Hades! Here I am trying to fix our marriage, tapos ikaw magpapasarap lang sa imoral na cruise na yan!" Gigil na gigil nitong sabi.
Hindi na tuloy ako makapagsalita dahil baka lalong uminit ang ulo nito sa akin.
Napalunok ako at parang ganigas ang katawan ng tingnan ako ni senyora. Mukhang narealize niyang nandito pa pala ako.
"You said you'll do anything kung papahiramin kita ng pera, tama?" Ngumiti ito, I don't feel good about it, pero kung papahiramin niya ako ng pera ay papayag ako kahit ano pa ang ipagawa niya sa akin.
"Opo, senyora." Sagot ko.
"There's something I'd like you to do, Gab." Umpisa nito.
"Ano po iyon senyora?" Kabado kong tanong.
"My husband, Hades, will board a cruise ship for a month. Gusto kong manmanan mo siya roon and report to me everything that he does. Gusto kong ireport mo sa akin kapag may mga babae siya roon. Take pictures and send them to me." Paglalatag nito sa gustong ipagawa sa akin.
"S-Sasakay din po ako ng cruise ship? Paano po ang tita Betina ko, senyora?" Gulat kong tanong.
"Ako na ang bahala sa operation ni manang Betina, basta gawin mo lang ang pinapagawa ko sayo." Sagot nito sa akin. "Come on, Gab. I don't have the whole day. Kung ayaw mo ay sa iba ko nalang ipapagawa." Pahabol pa nito.
"Ah, eh..."
"Ayaw mo ba?" Mukhang iritado na ito.
"P-Pumapayag na po ako senyora. Please po, kailangan pong maoperahan ng tita Betina ko." Pagtanggap ko sa alok nito.
"Good, bumalik ka rito bukas ng ganitong oras dahil ibibigay ko sayo ang ticket para sa cruise na pupuntahan ng asawa ko." She instructed, at pagkatapos ay umalis na at may tinatawagan sa cellphone nya.
Asawa pa din ang tawag ni senyora kay Gov. kahit ang tagal na nilang hiwalay na dalawa. Pero syempre, sa akin nalang yun dahil baka pagnalaman nya na pati yun pinupuna ko ay baka magbago ang isip nito.
Pagkabalik sa hospital ay agad kong kinuwento kay tita ang naging usapan namin ni senyora. Pati ito ay natuwa, pero hindi ko sinabi sa kanya na kaya ako mawawala ng isang buwan ay dahil sasakay ako sa isang cruise ship para sundan si Gov. Hades. Idinahilan ko nalang na isasama ako sa campaign rally ng partidong sinusuportahan ng ama ni senyora na si dating Senator Perkins.
Hindi na ito nagkaroon ng maraming tanong dahil alam naman niya kung gaano kabusy ang pangangampanya.
Kinabukasan ay bumalik nga ako sa mansyon tulad ng sabi ni senyora Olivia.
"Good morning, Claire." Bati ko sa nag-iisang anak nila Gov. Hades at senyora Olivia.
Hindi niya ako sinagot at nirolyohan lang ng mga mata. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang itong hindi na namamansin. Naging magkalaro kasi kami noong mga bata pa kami, sinasama kasi ako ni tita dito kapag bakasyon sa school para tumulong tulong. Apat na taon ang tanda ko kay Claire kaya naman naging tagabantay at kalaro ko ito noon. Pero bigla itong nag-iba ng tumuntong na siya ng high school.
Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na kung nasaan si senyora at baka magalit iyon kapag nahuli ako sa ibinigay niyang oras.
"Here you go. That would be your ticket to the cruise." Nag-abot siya sa akin ng puting envelope. "Pack your things because you're leaving tomorrow. Ihahatid ka ng driver ko so you don't have to worry about how to get there." Nanlaki sa gulat ang mga mata ko ng sabihin nito na bukas na agad ako aalis. "Tandaan mo, Gab. You have to report to me everything that he does. Kuhanan mo rin ng litrato ang lahat ng mga ginagawa niya, lalong lalo na if there's a woman involved. Naiintindihan mo ba?" Paalala nito sa akin.
"O-Opo, senyora. Basta po, ang tita Betina ko, kayo na po ang bahala sa kanya." Sagot ko.
"Kapag nakapagreport ka na sa akin, saka ko lang babayaran ang operasyon ni manang Betina. I need proof na gagawin mo nga ang inuutos ko." May diin nitong sabi.
"Yes po, Senyora." Sagot ko.
Iniwan na niya ako pagkatapos nun, kaya naman umalis na ako.
Muli kong tiningnan ang ibinigay niya sa aking envelope. Palabas na ako nun ng mansion ng macurious sa laman, kaya binuksan ko na.
It's an invitation. Isang white invitation card ang laman ng envelope.
✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧
You are invited to join the Tempted Cruise Ms. Gabrielle Fae Crisostomo.
May all your fantasies come true at the Tempted Cruise.
Best regards,
Captain X
✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧
Tempted Cruise? Ang weird naman ng pangalan ng cruise ship.
At bakit may pa may all your fantasies come true pang nakalagay?