"Fûck!" Malakas na mura ng matandang lalaki na nagpainom sa akin nang aphrodisiac kagabi.
“Sinabi kasing magfold muna tayo!” Paninisi nung isa pang matanda sa kasama niya.
"What happened, master?" Tanong ko kay Gov. Bigla nalang kasi itong sumigaw matapos nilang mag-all in at nang magpakita na ng mga baraha ay nagalit at nagsisihan na ang mga ito.
Pang ilang rounds na din silang naglalaro at kanina pa hindi maipinta ang mukha ng mga nakakalaban ni Gov. Ikaapat na panalo na nya kasi to. Hindi ko alam kung bakit pa niya ako sinama dito eh wala naman akong naiintindihan sa poker.
“Looks like you're a lucky charm, pet.” Hinipo ni Gov. ang hita ko.
“W-Wala naman po akong ginagawa Gov. Wala nga po akong mintindihan eh.” Sagot ko.
“You don't have to do anything. Just stay still.” Anas nito na nagpatayo ng mga balahibo ko. Unti-unti kasing umaakyat ang kamay niya papunta sa perlas ng silangan.
“Ayoko na! Wala na akong pera! Maghihirap ako sa ginagawa mo!” Naiinis na tumayo iyong maniac na matanda.
“Bakit ako ang sinisisi mo sa kamalasan mo?” Asik naman nung isa at tumayo na din at sumunod sa kasama niya.
Para talaga silang kambal tuko.
“M-Master, pwede bang mag-CR muna ako?” Pinigilan ko ang kamay nitong naglilikot. Baka mamaya makita pa ng katabi namin ang kababalaghang ginagawa ni Gov.
“Hurry up.” Mukhang good mood ito dahil sa mga panalo niya kaya pinayagan akong umalis.
Dali-dali akong bumaba mula sa pagkakakandong sa kanya. Nilingon ko muna ito bago ako lumapit sa taong pakay ko.
“Here you go ma'am.” Salubong sa akin ng crew sa casino na pinakiusapan kong kuhanan kami ng litrato ni Gov.
“Thank you!” Pasimple akong nag-abot sa kanya ng tip. 5k din yung inabot ko, mula sa allowance na ibinigay sa akin ni senyora Olivia.
Kanina habang naglalaro si Gov ay nagpaalam ako sa kanya na ikukuha siya ng wine. Pero ang totoong pakay ko ay ang kausapin ang isa sa mga crew para magawa ang balak ko.
Agad akong sumiretso sa may CR at isa-isang tiningnan ang mga pictures na nakasave sa phone.
May mga pagkakataon na sinasadya kong yumakap sa leeg ni Gov para magmukhang naglalampungan kami, at sakto namang nakunan iyon ng larawan ng nakausap kong crew.
Naglalaro ang signal ng internet connection, pero kahit na ganun ay sinubukan ko pa ring isend ang mga pictures kay senyora Olivia. Baka kasi kanina pa iyon naghihintay ng update.
Kahit inabot ng ilang minuto ay nasend naman ang mga pictures sa social media account na binigay ni senyora. Nakahinga ako ng maluwag na nagawa ko na ang mission ko.
Babalik na sana ako kay Gov. Hades dahil kabilin-bilinan nito na bilisan ko, kaso bigla nalang nagvibrate ang cellphone ko at nang tingnan ko ay tumatawag ang senyora.
Walang yang buhay naman to! Kanina nagloloko ang signal, tapos ngayon punong-puno yung bar.
Napaliko ako ng wala sa oras at lumabas ng casino. Pumunta ako sa bandang gilid na walang masyadong tao at ilaw bago sinagot ang tawag ni senyora Olivia.
“Who the hell is that woman!” Halos mabingi ako sa hiyaw na iyon ni senyora.
“H-Hindi ko po kilala, senyora.” Kabado kong sagot.
“Aaagghhhhh! I wanna kill her! I'll kill her!” Nakadama ako ng matinding takot sa sinabi nito. Lagot talaga ako kapag nalaman ni senyora na ako ang babaeng nakakandong kay Gov. Hades. “Gabrielle, alamin mo kung sino ang walang hiyang babaeng yan!” Utos ni senyora.
“P-Po?” Nautal-utal kong sagot.
“Alamin mo kung sino ang babaeng yan na umaaligid sa asawa ko!” Ulit nito.
“P-Pero pano ko po gagawin yun senyora? Eh halos hindi po sila naghihiwalay. K-Kanina po nakita kong kasama ito ni Gov. na lumabas ng silid niya. Hindi ko din po masyadong nakita ang mukha ng babae dahil sinuotan ito ng Gov. ng maskara bago sila tuluyang umalis sa harapan ng kwarto ni Gov. At buong oras na nasa casino sila ay nakakandong lang sa kanya ang babae.” Pagsisinungaling ko.
Hindi ako makapaniwala na nakahabi ako ng ganung kasinungalingan. Siguro gawa ng sobrang taranta at takot kay senyora Olivia.
“What a slut! Aagghhhh!” Nakarinig ako na parang may nabasag sa kabilang linya. Nagwawala nanaman ata ito.
“S-Senyora m-medyo chappy po kayo. Hello? Hello senyora?” Pagkukunwari ko nalang dahil baka ako pa ang pagbuntungan nito ng galit, at baka ipilit pa nito ang gusto nya na alamin ko kung sino ang babaeng nasa pictures. “Nawawala po ang signal, senyora. Hello? Hello?” Dugtong ko pa bago pasimpleng pinutol ang tawag.
Pinatay ko na din ang cellphone ko para hindi na ito makatawag ulit. Siguro bukas ko nalang ulit i-on ang cellphone ko dahil kung tatawag ito mamaya kapag nasa kwarto na ako si Gov. ay siguradong malaking problema.
Napatingin ako sa malawak na dagat, pagkatapos ay kumapit ako sa railings at sinilip ang ibaba. Madilim at tanging ang cruise ship lang ang source ng ilaw. Kapag nalaman ni Gov. ang tungkol sa ugnayan ko sa dati niyang asawa ay baka ihulog niya ako dito sa dagat at siguradong walang makakaalam na naging pagkain na ako ng pating.
Babalik na sana ako sa loob dahil baka magtaka na si Gov na ang tagal ko, kaso bigla naman akong may nabunggo.
“S-Sorry!” Agad kong sabi.
“It's okay, miss.” Sagot naman nito.
Buti nalang talaga at may suot akong maskara. Ayoko kasi na may makakilala sa akin habang nandito ako sa cruise.
Napansin ko na nakasuot ng collar ang lalaki. Ibig sabihin ay isa siyang pet? Napatingin ako sa likuran niya, mukhang hindi niya kasama ang master nya.
Hindi ko alam pero parang nakadama ako ng awa rito. Kung katulad ko sya na isang pet, ano kaya ang kwento nya? Katulad ko din kaya siya na sinubasta? O kung hindi, kusa ba siyang pumasok sa cruise na to para maging isang pet? Ano kaya ang dahilan nya?
Napatitig ako sa mukha niya, wala kasi siyang suot na maskara. May itsura ito, gwapo, matangkad, at maganda ang katawan base sa hulma ng suot niya. Siguradong pinagkaguluhan ito ng mga babaeng may pera, kaya binili ang serbisyo niya para maging isang pet.
“Are you alone, miss? It's not safe for a pretty woman like you to be alone in a place like this.” Natigil ang pag-iisip ko ng muli itong magsalita.
“Um, may tinanggap lang akong tawag.” Sagot ko. “Ikaw? Why are you alone? Nasan ang master mo?” Tanong ko sa kanya.
“Oh," Napahawak siya sa suot niyang collar. "Iniwan na ako. May nahanap na kasing ibang pet na magpapasaya sa kanya.” Mas lalo akong naawa ng marinig ang sinabi nito.
“Ganun ba? Kawawa ka naman.” Hindi ko mapigilang sabihin. “I mean, no offense ha.” Biglang kambyo ko kasi baka maoffend ito sa sinabi ko.
“It's okay. Ganun naman talaga dito sa Tempted Cruise. Kapag nagsawa na sila sayo, itatapon ka na nila.” Malungkot nitong sabi.
Itatapon din kaya ako ni Gov kapag nagsawa na siya sa akin? Sana magsawa na agad siya sa akin para itapon na niya ako. Para pwede na akong makabalik kay tita Betina pagkatapos ng stay namin dito. Baka kasi gawin talaga niya akong panghabang buhay na property kapag hindi ito nagsawa sa akin.
“Sana magkaroon ka ng master na hindi ka itatapon ng ganun ganun lang.” Gusto ko sanang sabihin na sana magkaroon siya ng master na aalisin siya sa immoral na lugar na to.
“Gusto mo ba, ikaw na lang maging master ko?” Lumapit ito sa akin. “I'll be a good pet, I promise.” Dugtong pa niya.
“N-Naku, hindi naman ako isang master eh. Wala kang makukuha sa akin. Isa lang din akong pet. Hindi lang halata, kasi hindi naman ako pinagsuot ng collar ng master ko.” Sagot ko sa kanya.
“Wala namang rules na hindi pwedeng magka-pet ang isang pet.” Hindi ko alam kung bakit parang desperado ito sa suhistyon niya na maging master nya ako.
Dahil ba nalulungkot siya at gusto niya ng kaibigan?
“Pero wala naman akong ipapangbayad sayo.” Sagot ko.
“How about a kiss on the cheek, master?” Tanong nito.
“H-Ha?” Hindi makapaniwala kong usal.
“I'll do whatever you want for a kiss.” Saad nito.
“Pero—” Sandali akong napaisip. Parang magandang deal din iyon. Pwede ko siyang gawing photographer ko.
Kasi kung magbibigay ako ng 5k every time na may uutusan akong crew, mabilis na mauubos ang perang ibinigay sa akin ni senyora. Plano ko pa naman sanang tipirin iyon para may pera ako pagkalabas ko sa lugar na to.
“What do you think?” Tanong niya.
“Fine, pumapayag na ako.” Sagot ko dito kahit mukhang hindi pinag-isipan.
“Yey, master!” Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. “Ako nga pala si Adam. What's your name, master?” Pakilala nito.
“Ako naman si—”
“Gabby!” Nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.