Tragic . . Bang! . Isang putok pa ng baril ang narinig ko sa ikatlong palapag ng bahay niya. Tumakbo agad ako para hanapin sila. Hanggang sa nakarating ako sa pinakahuling bahagi nito. Dahan-dahan akong lumapit sa nakabukas na pinto, kinakabahan akong masyado. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko sa loob. . "Shot him now!" . Isang boses ang narinig ko na galing sa loob, at nang tiningnan ko ay una kong nakita si Drake na nakahandusay sa sahig, duguan siya pero buhay pa. Napatakip agad ako sa bibig ko, at nang tiningnan ko ang buong paligid ay unang nakita ko ang mukha ni Papa. . "Papa!" sabay takbo at yakap ko sa kanya. . Wala na akong pakialam pa sa lahat ng nasa paligid ko, basta mayakap ko lang ang Papa ko. I miss him so much. . "Venette, darling hija," sa mas mahigpit

