Chapter 39. Home

975 Words

Journey Home . . Inayos ko na ang lahat ng mga gamit at sa pagkakaalam ko mamayang madaling araw na ang alis namin sa Isla pabalik sa Italy. Hindi pa kami nag-usap ni Logan. Puro iwas ang ginagawa ko sa kanya. I know he tried to reach out, pero ayaw ko pa. Kung hindi man niya masabi sa akin ang totoong dahilian niya ay talagang mas iiwasan ko na siya. . "Ako na, kumain ka muna." . Kinuha niya ang damit na nasa kamay ko at siya na mismo ang naglagay sa maleta nito. Hindi kasi ako sumabay sa kanya kanina sa mesa. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya, ewan ko ba! Naiinis ako sa Marie na 'yon at hindi ako mapakali. Sana nga pala kinalbo ko na ang bruha. . Tumalikod na ako at iniwan siya sa kwarto. Umupo na ako sa mesa at tiningnan ang inihanda niyang pagkain. Napaisip tuloy ako sa sarili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD