DIRETSONG tinignan niya ang binata. Huminga siya ng malalim at nagsalita. "So, gusto mong magsinungaling ako sa asawa ko?" Malamig niyang tanong sa kaharap Halatang hindi kumportable si Niccolo, dahil pabiling biling ito sa kinauupuan at hindi makatingin ng maayos sakanya. Nasa canteen sila ng nasabing Hospital at nagtsaa muna sila. Lumunok ito at bumuntong-hininga -- halata na may dinadalang bigat sa loob. Nagangat ito ng tingin, namimigat din ang pligid ng mata nito at namumula iyon. "There's no reason para sabihin pa ang t-totoo. He hated me." Hindi makatinging sabi nito Siya naman ang napahinga ng malalim, aminin man nito o hindi alam niyang may mabigat na suliranin ito. Kahit naman nagtapat ito ng tunay na nararamdaman sakanya, still Nico is her friend. "Tell me the whole story, Nic

