PARANG KAILAN lang, magkagalit at mayroon pang sama ng loob si Jayden sa Ina. Parang kailan lang, noong may mga malalaking pader ang nakaharang sa pagitan nila at ilang taon silang walang komunikasyon sa isa't-isa, nagturingan na isang estranghero. Ah, mga panahong sinayang nila sa pagtitikisan. At ngayon, wala ng sinuman ang maaring paghiwalayin sila. Even his own Dad nor Niccolo's father. Noong gabing nagkaharap sila muli ng Ina pagkatapos nang napakaraming taon, ikinuwento nito ang lahat-lahat. Wala itong inilihim sakanya ni isa. Mula sa kung sino ang tunay nitong mahal, kung paanong pinilit lang na ipakasal ito sa Ama niyang si Hernando Aran, ang pangbablackmailed dito ni Serafino Villarin. Kung paano ito hindi magkaundagaga sa paghanap sakanya noong lumayas siya at pinilit na hagilap

