MAINGAT na inilapag siya ni Jayden sa gitna ng malambot na kama. Bahagyang nabuhaghag ang kanyang buhok. Tinukod nito ang isang tuhod sa gilid ng kama at marahan nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Agad na nakaramdam siya ng hiya at pagkailang. "B-bakit ganyan ka makatingin?" Alanganing tanong niya rito Ngumiti lang ito sakanya at umusod sakanya ng kaunti. Hinaplos nito ang makintab at makapal na buhok niya, ilang sandali pa'y dinala nito iyon sa ilong at inamoy. "I really love your hair..." Mahinang anas nito Napalunok siya. Nang magsawa ito, tinignan ulit siya nito. Paghanga ang makikita sa itsura nito. Tumingin ito sa braso't hita niya, pagkatapos ay sa tiyan niya. "I like it. Nagkakalaman ka na. No, may laman kana. Unlike before, you're too skinny for me but ofcourse, sexy

